Chapter 32: HIS POV
"Para naman hindi boring ang byahe natin, maglaro tayo!" Sir Fernan suggested and my classmates agreed.
"Sir, anong klaseng laro po ba?" Tanong ng isa kong kaklase sa harapan.
"Ang laro natin ay tatawaging Careless Whisper. Pero para maging exciting, pagpapalitin ko kayo ng seating arrangement!" Halos lahat kami ay nag-apila dahil inaakala namin na kung saan kami uupo ay doon na lang pero nang dahil sa laro ay maiiba pa. Umapila ako, paano na lang magiging masaya 'tong trip na 'to kung hindi ko naman din katabi ang taong mahal ko?
"Huwag kayong mag-alala, pipiliin ko lang naman ang mga palilipatin ko." He added with a wink. I sighed with relief. Sana lang hindi ako mapili o kahit si Winter, kasi kahit sa paglipat ng upuan, ipaglalaban ko siya.
"Sir! 'Wag nang ganyan! Okay na kami dito, e." Apela ng secretary namin na si Joanna.
"Okay lang, Joanna. Para nga naman kasi may thrill." Sabat naman ni Trim. Hilig talaga nitong mokong na 'to sa mga thrill.
"Okay na! May napili na akong pwedeng lumipat." Sir Fernan said at bigla na lang akong kinabahan. I felt Winter stiffened. Paano na lang kapag siya ang lumipat tapos sa tabi siya ni Summer? O, ako? Hindi ko siya makatabi? Paano na? I looked at her but she just gave me a sideway glance na para bang ilang na ilang siya sa akin.
"Mas okay na siguro ikaw ang katabi ko, kaysa iba." She murmured before she bowed her head. Nahihiya ba siya sa akin?
Napangiti ako ng malapad. Hindi na lang kasi sabihin na gusto niya akong makatabi, e. This girl is so unpredictable! Gusto ko siyang yakapin at pang-gigilan pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko na nga halos narinig kung sino ang mga pinalipat ni Sir dahil feeling ko nasa langit ako, e. Hindi ko na nga napansin na iba na pala ang katabi ko sa kaliwa ko. At kung mamasamain ka nga naman, bakit sila pa? Hindi na sila Iza at Izmael ang katabi ko kundi si Summer at Bianca na napaka-seryoso sa byahe. Hindi sila ganito dati, they always cuddled each other at kaunti na nga lang ay puro langgam na sila sa ka-sweetan nila, pero bakit sila ganyan ngayon sa isa't-isa? Or, should I say? Bakit ganyan si Summer? Ang cold niya kay Bianca. Tumingin din ako kay Winter at nakita kong nakabusangot ang mukha niya. Nakatingin din pala siya sa dalawa. Anak naman ng tinalupan 'to! Hindi naman pwedeng ganyan ang mukha mo, Winter, baby!
Umusog ako ng kaunti kay Winter para mas lalo kong maramdaman na nagdikit na ang mga katawan namin. Kunwari'y humikab ako at iniangat ko ang kamay ko para ma-akbayan siya sa balikat niya. O, diba? Simpleng da-moves lang pero naka-score na!
"Uy! Ang sikip! At pakitanggal ng kamay mo." She shrugged me off but I didn't let her.
"Trust me, hayaan mo muna ako. Kahit ngayon lang naman, namiss kita, e." I whispered in her ears and I felt her stiffened. I turned my head on Summer's and he's looking at me intently. His jaw was clenched and also his fist. "One-zero." I murmured for him to hear.
"Let's start the game!" Sir Fernan announced and I excitedly prepared myself. Not because of the game, but because of the possibility. Pwedeng ako ang bubulong kay Winter at maaamoy ko siya ng malapitan. O, kaya naman, siya ang bubulong sa akin at mararamdaman ko ang hininga niya sa tainga ko. I grinned. Wala na, I fell so much to her.
"... Ganito ang mechanics. Itong line A sa kanan hanggang kay Summer at Bianca ang Team A. Ito naman sa kaliwa ko ay Team B, hanggang kay Thun na ngayon ay ngiting-ngiti at kay Winter na... Nakabusangot?" They laughed at us but we didn't give any comments. "Ibubulong ko kay Alicia para sa Team A at kay Kyla naman para sa Team B. Sa kanila magsisimula ang salita at ipapasa nila sa inyo. Ang daan ng bulungan ay alternate. Pa-letter S. Okay ba? Gets niyo? Si Thun at Summer ang tatakbo rito sa harapan para sabihin ang ibinulong sa kanila. Ano? Game na, ha?"
BINABASA MO ANG
Weather You Like It Or Not
RomantizmWinter Breeze Cold is a typical 4th year high school student of Waltz Y Lion University. She keep finding her true love base on her treasure box. What's with the treasure box and who is her true love? Read to find out! ;)