Chapter 14
Five days before the Buwan ng Wika event sa school. Ready na ako sa costume ko at sa ipe-perform ko. Pero wala pa din kaming napag-usapan ni Thun. In short, there’s no progress. Alalang-alala na nga ako sa pwedeng mangyari, hindi pwedeng bumagsak kami dito to think na section one kaming dalawa at mataas ang expectations ng ibang sections at ng ibang teachers sa amin. First time ko lang ‘to, ngayon lang kasi napansin ang ganda ko.
I picked up my phone from my side table because it’s non-stop from ringing. Napaupo ako bigla dahil hindi ko man lang namalayan na si Summer na pala ang tumatawag sa akin.
“Hello.” I said and smiled because I heard him chuckled. “Why did you call, my love? I’m sorry ngayon ko lang nasagot. Hindi ko napansin na ikaw pala yung tumatawag. Busy kasi ako---yung sa event.”
He sighed. “Wint-wint, kahit five days na lang, kaya kong gawan ng paraan yan. Kaya ko syang palitan.”
I waved my hand. Ay, hindi niya pala makikita. “No! No! No! Ayoko nang maulit pa kung ano ang nangyari sa inyong dalawa before.” Iniisip ko palang na mauulit yung nangyari noon, e baka magbigti na ako.
After that incident happened, Hindi lang si Mommy at Daddy ang nagalit sa akin. Although, nasermonan talaga ako ng bongga ng parents ko. Pero kasi, dumagdag ang Mommy ni Summer sa akin. Nang dahil na naman daw sa akin, natamo na naman ng boyfriend ko ‘yon. Na nang dahil daw sa akin, nagkaroon na naman daw ng sakit sa katawan ang anak niya at nang dahil sa akin, mas lalo daw niyang gusto kaming paghiwalayin, which is hindi pwede dahil mahal namin ni Summer ang isa’t-isa. Pagdating naman sa parents ko, legal kami. Nasaktan daw sila sa hindi ko pagsabi agad sa kanila na natamo ko ‘yon. Alam ng parents ko na may boyfriend ako at Masaya ako doon dahil tanggap nila si Summer as boyfriend ko. Ayoko kasing itago ang relasyon na mayroon ako sa isang tao pagdating sa parents ko, sobrang open ako sa kanila to the point na hindi ako nagsisinungaling. Syempre, kapag nagmamahal ka, hindi mo ito kailangan itago, dapat pinagmamalaki at kailangan handa ka sa mga taong against sa relationship niyo. Mommy talaga ni Summer, mukhang ayaw sa akin.
“E, kaysa naman namomoblema ka diyan? Nag-aalala na din ako sa’yo.” Sabi niya na alam kong naka-pout.
“Kakausapin ko na siya. Sa maayos na usapan.”
“What?! Sasama ako!” I shrugged. Alam kong hindi pwedeng magkita talaga sila.
“Summer, trust me. Kaya ko na ang sarili ko. Hindi na ako magpapaapekto sa mga sasabihin niya. Kailangan ko lang malaman kung ano ang plano niya para sa aming performance.”
“Wint-wint.” He paused. “I trust you, okay?”
BINABASA MO ANG
Weather You Like It Or Not
RomantizmWinter Breeze Cold is a typical 4th year high school student of Waltz Y Lion University. She keep finding her true love base on her treasure box. What's with the treasure box and who is her true love? Read to find out! ;)