Chapter 46: HER POV
Runaway with me, please.
I broke off of the hug and searched for his eyes. Naiiyak ako at hindi ko alam kung bakit. Kung tama pa ba na kasama ko siya ngayon lalo na at nasa stage ako ng pagmo-move on? Kung bakit ngayon pa kung kailan malapit ko na siyang makalimutan? Bakit siya nandito? Bakit ngayon pa kung kailan ayoko na?
Ayoko na, pagod na pagod na ako. Ayoko nang sumugal ulit sa isang laban na alam ko naman na talo ako. Masakit, sobra. 'Yung ikaw lang pala ang lumalaban samantalang siya, hindi? Ayoko na. Takot na ako. Tapos na kaming dalawa at hindi na pwede.
"Please, I'm begging you." He said. I'm not sure if he's just high tonight or whatsoever. Tumingin ako sa mga mata niya ulit at nakita kong pagod na rin ang mga 'yon. His lips pressed into a line and his breathing becomes heavier. "Winter, I just... please. Ngayon lang."
Naramdaman kong nagri-ring na ang cellphone ko at nakita kong tumatawag na si Devil. Nandito na siya, alam ko. Tumingin ako sa gate ng school namin pero wala akong nakita since ang daming estudyante ang nakaharang.
Paano kapag nakita kami ni Devil dito? Anong ire-react niya? Anong gagawin niya? Magagalit kaya siya? Paano kapag hindi ko siya sinipot sa date naming dalawa? Iiwan niya din kaya ako? Sasaktan niya kaya ako? Magagalit kaya siya sa akin? Hindi ko na alam. Gulong-gulo na ako.
I looked again into his eyes and took a deep breath. Fine, this is the last. I nodded my head to him as sign that I agreed. Parang nabunutan siya ng tinik at nagliwanag ang mga mata niya na kanina ay sobrang mapupungay at nagmamakaawa sa akin.
Inilihad niya ang kamay niya sa akin na nakabalot ng gloves. I took it and he lead the way out from this crowd. 'Yung tibok ng puso ko ay halos hindi ko na mabilang sa sobrang bilis. Kinakabahan ako at the same time masaya. Oo, nagmo-move on ako, pero hindi ko rin naman maaalis sa sarili ko na mahal ko pa rin 'tong lalaking 'to. Natatakot lang ako sa gagawin niya ngayon kung mayroon man, ayoko na kasi talagang umasa.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang papalayo kami sa quadrangle.
"Kung saan kita napasagot ng oo." Nakangiti niyang sagot na ikinagulat ko naman. Para akong maiiyak sa sobrang epekto nang pagngiti niya. I missed him so much, so much that I can't really be myself with him right now.
Hindi ko na pinansin ang paulit-ulit na pag-ring ng cellphone ko. Gusto ko pa rin malaman kung bakit ako gustong makausap ni Thunder. Is he going to give another shot or will truly let me go?
Nang makarating kami sa rooftop ay naramdaman ko agad ang hampas ng malamig na simoy ng hangin. 'Yung mga bituin sa kalangitan ay kumukuti-kutitap sa dami. Nakita ko sa ibaba ng rooftop na 'yon kung gaano karami ang mga estudyante ang nagsasaya ngayon sa Valentine's ball. Parang ayoko nang matapos ang gabing 'to kasama siya. Kasi ngayon, nararamdaman kong may pagmamahal pa rin sa puso niya.
Nang mapatingin ako sa kanya at nakatingin na pala siya sa akin kanina pa. Bigla akong nahiya kaya napaiwas na lang ako ng tingin. Narinig kong muli ang pag-ngisi niya sa akin. How I missed that reaction? Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya napatingin na ako ng tuluyan sa kanyang mga mata. Pareho kaming nakasuot ng mask kaya hindi ko makikita ang mukha niya at ganoon din siya sa akin.
"What are we going to do here?" Bigla kong tanong dahil hindi ko na matinag ang katahimikan sa aming dalawa.
He took a deep breath and stepped closer to me. He locked his eyes on mine and smiled. "Winter, I'm sorry. We're not here to bring the past back but to finally let you go." Parang biglang naging yelo lahat ang nasa paligid ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ano daw? Tama 'yung hula ko kanina? Bakit kahit alam kong tama ako, masakit pa rin marinig 'yung mga katagang 'yon galing sa kanya?
BINABASA MO ANG
Weather You Like It Or Not
RomanceWinter Breeze Cold is a typical 4th year high school student of Waltz Y Lion University. She keep finding her true love base on her treasure box. What's with the treasure box and who is her true love? Read to find out! ;)