Chapter 39

378 6 15
                                    

Chapter 39: HER POV

Lumipas ang tatlong araw na walang nangyayari. Papasok ako sa school kasi kailangan. Parang nawalan nga lang ng buhay. Simula kasi nung araw na nasaktan ako at nabugbog, hindi ko na rin nakita si Thun kinabukasan sa room noon. Wala na akong balita sa kanya ngayon. And I hated the fact na hindi talaga siya nagbigay ng kahit anong explanations sa akin. Oo, umaasa pa rin ako ngayon na sa kabila ng lahat, babalik siya sa akin at hihingi ng tawad. Siya ‘yun, e. Iba kapag mahal mo ‘yung tao. Pero, mukhang wala na. Kasi, tatlong araw na at wala pa rin siya ngayon. Hindi na siya pumapasok sa room at nag-aalala kaming lahat sa kanya. I even asked Summer about this pero pati siya hindi niya alam.

“Nasaan ba siya? Imposibleng hindi mo alam since magkapatid kayo?” Tanong ko habang kumakain kami sa cafeteria noon.

“Sabi ko nga, Wintz, hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi rin siya nagpaalam sa bahay.” Sagot naman niya. Alalang-alala ako sa katotohanang sa kahit sino ngayon ay hindi alam kung nasaan siya. Diba nga, dapat ako pa ang hindi magpakita sa kanila ngayon kasi ang lala nung nangyari sa akin?

What happened to Bianca and her gang? Ayun, one week silang hindi makakapasok. Hindi ko na sila ginantihan, okay na ‘yung parusa nila. Sila ang mawawalan, hindi ako.

I even asked Metallic Bolts too. Syempre, sa lahat ng nakakaalam, sila ang nakakakilala kay Thunder kung saan siya nagpupu-punta. Pero wala lang din ang mga sagot nila.

“Hindi talaga namin alam, Winter.” Sabi ni Trim habang nagda-drawing sa notebook nya noong araw na tumalikod ako sa upuan para magtanong sa kanila.

“Kahit isa sa inyo, walang balita?” Tanong ko pa. Umiling lang sila at tinuon ang sarili sa mga kanya-kanya nilang ginagawa.

“Ang kulit mo, Winter. Hindi namin alam kung nasaan siya. Wala kaming balita.” Dagdag pa ni Mole kaya inikutan ko na lang siya ng mata.

Huminga ako ng malalim bago pumikit. Lord, kung nasaan man si Thun ngayon, kayo na ang bahala. Maybe I should let him go. Kasi ganoon naman ang ginawa niya sa akin, e. Kung hindi ko kasi gagawin ‘yon, ako lang din ang mahihirapan. Napapagod na ako, natatakot na rin akong magmahal ulit. Hindi ko alam kung tama pa bang sumugal ako o hindi na. Palagi na lang kasing palpak.

Palpak pagdating sa love.

“O, nagmumukmok ka na naman.” Napatingin ako sa pumasok sa loob ng kwarto ko. Si Iza pala. Madalas na rin siyang dumadalaw sa akin dito. Sinabihan ata siya ni mommy na sama-samahan ako kasi, palagi na lang akong nagkukulong sa kwarto at nag-iisip ng mga bagay-bagay.

“Hindi ah.” Tinuon ko na lang ulit ang atensyon ko sa librong binabasa ko. Nagbabasa ako kahit wala akong maintindihan.

“Sus, ako pa niloko mo. Kilala na kita, Wintz.” Pailing-iling na sabi ni Iza bago siya umupo sa tabi ko sa kama. “Wintz, hindi ka pa rin ba okay?” Tanong niya. Huminga muna ako ng malalim saka tumingin sa kanya. Ngumiti ako kahit pilit. Ayoko na kasing kaawaan pa nila ako.

“Okay na ako, ‘no.” Sabi ko at binalik ulit ang mga mata ko sa libro.

“Hay, ano ba pwedeng gawin sa’yo para makalimutan mo na si Thun? Sobra na kasi ‘yung ginawa niya sa’yong pangga-gago, e. Well, pareho lang sila ni Summer.” She tsk-ed as she laid on my bed and stared at my ceilings. Ginaya ko siya at dinikit ang ulo ko sa headboard ng kama ko. Tumingin din ako sa taas pero isa lang ang nakikita ko.

‘Yung mukha ni Thun. ‘Yung mga mata niya. ‘Yung labi niya. ‘Yung ngiti niya. Lahat, siya.

“Wala namang dapat gawin. Kailangan ko lang mag-move on.” Sabi ko at pilit na binubura ang pagmumukha ni Thun sa kisame.

Weather You Like It Or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon