Chapter 44

440 5 10
                                    

Hi guys, I won't be able to update this on February 14 because that's my birthday. At, wala ako niyan sa bahay. For sure, nasa galaan ako. Anyway, super advance nito. Sabi ko kasi, mga friday night para kinabukasan mabasa niyo na. Well, okay na rin naman diba? And, yes... Malapit na pala 'to matapos, like... medyo na. Haha! Sa mga humuhula ng mga pangyayari, keep it up guys. Goodluck sa inyo. Haha!  Enjoy the update! Gift niyo na sa akin ang votes and comments niyo. Loljk :) Happy 7k reads too, WYLION! <3 Thank you! <3 Here it goes. 

**

Chapter 44: HER POV

New Year came and everything went fast. Back to school na naman kami at agad-agad na nagbigay ng maraming gawain sa school. Ilang months na lang din, graduate na kami, diba? Dalawang linggo na rin ang nakalipas magmula nang huli naming pagkikita sa playground.

And I’m really trying my best to forget everything we had.

“Hoy, Winter!” Napalingon ako kay Iza na ngayon ay nag-aayos ng kanyang mukha sa maliit niyang salamin. Panay ang pahid niya ng lipstick sa kanyang labi at sinunod naman niya ang powder. Takang-taka naman ako na nakatingin sa kanya.

“Bakit?” Nakakunot kong tanong dahil naiirita ako sa mga kulorete niya sa mukha. “Kailan ka pa natutong mag-ganyan-ganyan, ha?” Tanong ko. Ibinababa naman niya ang salamin at tumingin sa akin.

“Kailangan sa buhay ‘to, Winter, ano ba?” Natatawa niyang sabi. “Wala, itatanong ko lang kung susunduin ka ba mamaya ni Devil?” Dagdag pa niya.

“Ewan ko, ayoko naman magpasundo doon, e.” Sambit ko na siya namang iniling ng ulo niya.

“Hay nako, ‘wag kang maarte! Kaartehan nito, ikaw na nga sinusundo at hinahatid!” Reklamo niya at tumingin ng diretso sa akin. “Tell me, nanliligaw ba sa’yo? Kasi kung oo, pagsasabihan ko lang naman. Baka saktan ka na naman kasi at hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga naging boyfriend mo.” She stated and I couldn’t help myself but to smile.

“Protective best friend ever!” I exclaimed and we both laughed.

“Of course, you’ve been through a lot, tama na ‘yang hinanakit. I-enjoy mo na ‘yan.” She said as she put those girly things inside her bag because our teacher came and ready to teach us another lesson.

Tama naman siya, gusto ko na lang din i-enjoy lahat ng mayroon ako ngayon. Kasi, napagdaanan ko na ata ‘yung sakit na dapat hindi ko muna pinagdaanan. Ayoko nang isipin pa siya, tapos na. Actually, halos hindi ko na nga rin siya naalala sa tuwing mag-isa ako. Dahil si Devil laging tumatawag sa akin kapag alam niyang mag-isa lang ako sa kwarto ko. Minsan pinagsasabihan ko siya kasi, dapat nag-aaral ako pero tawag pa rin siya ng tawag. Kahit nag-aaral ako, hinahayaan niya lang ‘yung cellphone na naka-on at nakikinig lang siya kahit hindi ako nagsasalita, ang weird lang.

Napatingin ako sa kaliwa ko at nakita ko si Summer na nakatingin ng seryoso sa harapan. Mukhang nakita niya akong nakatingin sa kanya kaya napatingin siya sa akin. Ngumiti siya at ganoon din ako. It must’ve been awkward for the both of us but for me, I accepted him as my friend. Nonetheless, I’m happy for that. Kahit na ganoon ‘yung nangyari sa aming dalawa, between me and Bianca na ngayon ay tahimik na lang pagtapos ng ginawa niya sa amin which is good. Ay, naging okay pa rin naman ang buhay ko sa ngayon.

And now, I also accepted the fact na kahit anong gawin ko, hindi na babalik si Thunder sa tabi ko rito. Masakit man tanggapin for him dahil hindi na ata niya itutuloy ang pag-aaral. Hindi ko alam kung anong dahilan niya pero nagulat na lang kaming lahat nang i-announce ng teacher namin na hindi na raw siya makakapasok. May mga ilang nagtanong, pero hindi na sinagot ng teacher namin. Narinig ko rin yung iba kong kaklase na tinatanong nila ‘yung Metallic Bolts pero wala rin ang sagot nila. Mga hindi rin nila alam which is unbelievable, dahil sa lahat ng pwedeng makaalam, sila ‘yon.

Weather You Like It Or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon