Chapter 2
It took me 20 minutes before I realized that I have to move on. Dahil baka ma-late kami ni Iza. Matagal bago nag-sink in sa akin ang pangyayari. Halos lahat ng estudyante ay napahinto sa pinagkakaabalahan nila at lahat sila ay gulat na nakatingin sa akin.
I heaved a sigh and grabbed my things. I nodded my head to Iza as signed that she must follow me. Dumiretso ako sa bulletin board at umiwas ang mga nakaharang na estudyante doon at binigyan ako ng way para makita ko kung ano ang section namin. Good, advantage din pala ang pangha-harass sa akin, hindi ako nahirapan. Dapat masaya at excited ako pero hindi na lang ako nag-react nang malaman kong section 1 pa din kami ni Iza.
"Tara na, Iza." Hinawakan niya ako sa braso at mabilis kaming naglakad patungo sa magiging room namin. Para kong nawalan ng gana, kung kanina ay ang lakas-lakas ng energy ko at excited na excited ako, e bigla na lang akong tinamad sa inis. Hindi ko alam kung bakit kailangan may manira ng araw ko e. Galit ako, ayoko sa lahat ng binabastos ko ng kahit sino, lalo na kung hindi naman close at dinadaan sa ganito. Mga walang modong lalaking yan, kapag nalaman ko lang kung sino ang mga mokong na 'yon, ipapatapon ko talaga sila sa Dead Sea!
"We're here, Wintz." We stopped in Room 143 and took a deep breath. All eyes on us, no! All eyes on me when I walked in. Parang may dumaan na anghel sa sobra nilang katahimikan at parang pinatigil sila ni Big Brother. Ang sarap pasakan ng mga mansanas ang mga bunganga nila dahil lahat naka-awang. Ano ba? First time lang nilang makakita ng nanakawan ng halik sa ganoong paraan?
"Both of you are late." Bigla na lang bumalik sa huwisyo ang sarili ko nang marinig ko ang pagsalita ng teacher na nasa gilid namin. Hindi ko siya napansin dahil, mas matangkad ako sa teacher ko at kayang-kaya ko siyang ismolin.
"We're sorry, sir. It's just that--." I nudged Iza and cut her off.
"Sorry, sir. Madaming estudyante ang mga nakaharang kanina sa bulletin board at nahirapan kaming makipag-siksikan sa kanila kaya natagalan kaming malaman kung ano at saan ang section namin." I said and I heard my classmates tsk-ed. I glared at them and raised my eyebrow. Napayuko naman sila, kilalanin muna nila kung sino ang kinakalaban nila, please!
"Okay, I understand. You're excused. You may sit down." We nodded ang headed to our sit. Naghanap ako ng pwede kong ma-pwestuhan pero mukhang sa last row na lang ang may madaming libreng upuan, kaya wala kaming nagawa ni Iza. Kahit gusto namin sa unahan e, mukhang dito kami mapapaupo sa likudan. Hindi pa naman uso dito sa school namin ang seating arrangement, first come first serve sila dito. Umupo na ako sa dulong upuan sa katabi ng kaliwang bintana at nasa unahan ko naman si Iza, ayaw niya daw sa tabi ko dahil makikipag-daldalan lang daw ako. Best friend ko po 'yan e!
"Okay, class! Good morning! I would like to introduce myself first. I am your adviser for this class and I'll teach you about Economics. My name is Sir Fernan Dominguez. But, since this is the first day of school. I'll check your attendance and say present. Is that clear?"
"Yes sir." Sabay-sabay naming sabi. Mukhang mabait naman siyang teacher dahil, may pitik sa kanyang mga daliri. Ay POGAY 'to!
Nagsimula ng magtawag si Sir Fernan at nanahimik lang ako habang hinihintay ko ang pangalan ko. Nababagalan ako sa pagsasalita niya dahil na din sa malabo niyang mata. Nilabas ko na lang ang isang notebook ko at sinulat ang schedule ng mga subjects ko na nakalagay na sa blackboard.
BINABASA MO ANG
Weather You Like It Or Not
RomanceWinter Breeze Cold is a typical 4th year high school student of Waltz Y Lion University. She keep finding her true love base on her treasure box. What's with the treasure box and who is her true love? Read to find out! ;)