Chapter 21

220 5 4
                                    

Chapter 21

 Hindi na niya ako hinintay na makasagot dahil diretso na siyang pumasok sa kwarto ko at galit na  galit siyang naghanap ng ebidensiya. Alam ko, hindi naman ganoon kalakas ang pag-uusap namin ni Thun, e. Pero bakit narinig niya? Kinakabahan lang akong nakatingin sa kanya. Kitang-kita ko kung paano siya magalit noon, paano pa kaya ngayon na may narinig na siya? Okay, if it’s the right time, then I’ll tell him.

 “Ano, Winter? Hindi ka pa din magsasalita? Do you want me to call your Mom and tell these things?” He angrily asked and I just bowed my head. Paano ko ba ‘to susuyuin? “Matagal mo na siguro ‘tong ginagawa no? Matagal ka na sigurong naglilihim sa amin? Grabe naman, Winter! We always thought that you can’t do these things. You’re not that type of girl. Kaya nga kita nagustuhan kasi hindi ka marunong magsinungaling noong mga bata pa tayo but what happened?!”

 Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Ang hirap magsalita kahit na gustong-gusto kong i-defend yung sarili ko. Tama naman siya,e. This is all my fault. Naiiyak ako kasi pinalaki ko pa. Sabi ko na nga ba at ganito ang mangyayari, e.

 “Ano, Winter? Talk to me! Fuck!” Nanlaki ang mga mata ko ng inalog-alog niya ako. Nakalaoit na pala siya sa akin hindi ko man lang namalayan.

 “Sorry, Summer.” I uttered as my tears are running down on my cheeks again. “I’m so sorry.”

 “That’s why! That’s why you said sorry earlier! Kasi, ano? May kasalanan ka?!” He shouted at napapikit ako. Hindi ko inisip na ganito sya magagalit. Oo, expected ko na masasaktan siya pero hindi  sa ganitong paraan. “Kailan pa, Winter?” He gritted his teeth. We’re inches apart at ramdam ko ang paghinga niya. Can someone save me now?

 “Three days ago pa.” I replied and he cussed.

 “Three days ako pa yet you didn’t tell me? How dare you?”

 “I’m sorry, okay?! Let me explain first!” Pasigaw ko ng sabi pero parang bulong pa din dahil sa iyak ko.

 “Explain? Nagpapatawa ka ba ngayon? Ano pang ie-explain mo? E, noong nakaraan nakita ko kayong dalawa na magkalapit, ngayon pa kaya? Did he even kiss you? How many times, ha? Oo, noon payag pa ako kasi hindi mo pa ako boyfriend pero ngayon… iba na. So, ilan? Ilang beses kang nagpahalik sa kanya sa practice niyo? Tatlong beses din? Bakit? Mas masarap ba, ha? Ayaw mo ba sa akin?” He blurted out and cupped my face.

 “Fuck! Don’t you know how much it hurts me. Tang ina! Mas masarap ba siya kaysa dito?” He asked as he kissed me fully on the lips. He aggressively bit my lower lip and in cue, I opened it kasi nasaktan ako. He pushed his tounge over my mouth and I cried in pain. This is not right. I tried to push him but he’s strong that he pinned me to the wall. Napaliyad ako and he took advantage on it. Bumaba ang halik niya sa leeg ko at nasasaktan na ako.

 “Sum—mer! Stop… please!” Hindi pa siya ata titigil kung hindi tumunog ang doorbell. Napabalikwas ako at kinuha ko na yung pagkakataon na makatakbo . Dumiretso ako sa kwarto at ni-lock ko ‘yon.

 Napaupo ako at tahimik na umiyak. Alam kong si Mommy ang dumating at kapag narinig niya akong umiiya ay lagot na. I covered my mouth with my hands. Anong nangyari? Bakit ganito? Hindi ko lubos maisip na aabot sa ganoong point. Bakit niya ako kailangan tanungin ng ganoong bagay? Bakit kailangan niyang gawin ‘to para mapatunayan na mas okay siya? Ang sakit. Para akong binaboy at hindi niya ako pinagkatiwalaan. Hindi naman ganoon si Summer, e. Or should I say na hindi ganoon si Ton-ton. Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko. Hindi ko kayang hindi  sabihin ‘to. I dialed Iza’s number and praying that she’s free. Sa oras na ‘to, maiintindihan ako ni Iza.

Weather You Like It Or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon