Chapter 36

242 5 4
                                    

Chapter 36: HER POV

Lahat naman ng tao kayang magtiis. Ang tanong, hanggang kailan?

Ang makita siyang lumalayo sa puso ko ay ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. Akala ko kasi naka-permanente lang siya sa buhay ko na ang alam lang gawin ay ang pasayahin ako. Na halos hindi ko na naisip na magagawa niya pa 'yon sa akin.

Break?

Inisip ko na hindi totoo. Naghintay ako ng oras na sasabihin niya sa akin na mali ang sinabi niya. Na dapat sasabihin niya na mahal niya ako instead of saying those words. Break-up? Oo, naranasan ko naman na 'yon before. Masakit, oo. Pero siya? Siya na yung taong naging consistent sa buhay ko at hindi ako iniwan kailanman ang mang-iiwan sa akin? Bakit ngayon pa? Kung kailan kailangan ko ng karamay?

Umuwi akong lugmok na lugmok. Alam kong napansin ni mommy ang panghihina ng katawan ko. Pero hindi na siya nagtanong. Ayokong dumagdag sa iniisip nila ngayon kaya sinarili ko na lang 'tong problema ko. Gayunpaman, hindi naman na nila 'to kailangan isipin. Gusto kong isipin na makakayanan ko rin ang lahat, na lilipas din 'to. Pero, hindi. Sa tuwing hihinto ang oras, siya at siya ang naalala ko.

Ang mga mata niya na parating sinasabing mahal na mahal ako. Ang mga ngiti niya na siyang nagdadala ng ngiti rin sa akin. Ang yakap niya na alam kong hindi ako masasaktan. Ang labi niya na nagpapatunay na mahal na mahal niya ako at ang puso niya na parating pinagsisigawan na ako lang, wala ng iba.

Pero, bakit nagbago ngayon? Bakit kailangan may masaktan sa amin? Bakit kailangan may manakit? Bakit kailangan may umiyak? Bakit hindi niya sinabi sa akin ang lahat?

"Winter?" Nagitla ako ng biglang kumatok si mommy. Tinatamad man na bumangon sa kama ko ay pinilit ko ang sarili ko na buksan ang pinto at papasukin si mommy.

"Mommy?" Tanong ko habang dahan-dahan na umuupo sa kama ko. Nahiya ako bigla dahil nakalimutan kong ayusin ang desk ko. Nagkalat kasi ang pictures namin ni Thun na pina-developed namin noon. Every time na magkasama kasi kami, madalas kaming kumuha ng pictures na magkasama at ipade-develop agad. Kaya mas masakit, kasi marami na kaming nabuong memories.

"Ayos ka lang ba? Handa akong makinig, Winter. I'm here." Tumingin ako sa mga mata ni mommy at hindi ko mapigilang hind imaging emosyonal. Isa lang ang gusto ko ngayon, ang magkaroon ng karamay. At alam kong gagaan ang loob ko kapag si mommy ang kausap ko.

Hindi ako ayos, mommy. Sobrang sakit. Ang sakit, sakit. Hindi ko na nga kaya, mommy, e. I want to say it aloud but no words came out from my mouth. Niyakap ko na lang ng mahigpit si mommy at doon binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko kanina pa. 'Yung iyak ko na walang humpay, 'yung sakit ng puso ko na kanina ko pang gustong ilabas para hindi ko na lang maramdaman. Lahat!

"Gusto kong malaman ang nangyari, Winter. Sabihin mo sa akin." Malumanay na sabi ni mommy kaya kumalas ako sa yakap at nagpunas-punas ng luha ko. Huminga ako ng malalim saka lumunok. Hindi ko kayang magsalita pero alam kong kailangan kong ilabas lahat ng 'to para makatulong din sa akin.

"Mommy..." I took another deep breath before I spoke. "Thun broke up with me." Hirap na hirap akong sabihin ang mga salitang 'yon. Pumikit ako ng madiin at naalala ko na naman kung paano niya sinabi sa akin na break na kami.

"Bakit?" Nag-aalalang tanong ni mommy. "Bakit siya nakipag-break sa'yo? Anong nangyari? Nag-away ba kayo? Akala ko ba, hindi ka niya sasaktan?" Dagdag niyang tanong. 'Yun din ang akala ko, mommy, e.

I shook my head. "I don't know, mom. I really don't know. Hindi niya sinabi sa akin ang dahilan kung bakit. Sinabi na lang niya na pasasalamatan ko rin daw siya at maiintindihan ko rin siya. Paano ko siya maiintindihan kung hindi naman niya sinabi ang dahilan sa akin, diba? Paano ko siya matutulungan? Feeling ko, hindi niya gustong makipag-hiwalay, mommy! Umiyak din siya kanina!"

Weather You Like It Or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon