Chapter 28
"Winter, tama na 'yan. Wala ng tamang maidudulot 'yan. Kumain ka na, tatlong araw ka ng hindi pumapasok. Sige ka, baka mawala ka niyan sa top ten!" Iza said as she tried to feed me but I always said no. "Hindi mo papansinin 'tong pagkain na niluto ko para sa'yo? Sige ka, magtatampo ako." She added and I just keep my mouth shut. "Winter, you have to face it. Ganyan talaga 'yan, e. Alam ko malaki ang kasalanan niya sa'yo, pero kailangan mong tanggapin kahit mahirap. Oo, magagalit ka talaga sa kanya, pero... Winter, hindi mo kailangang maging ganito. Face it! Ipakita mo sa kanya na hindi siya worth it. Ipakita mo sa kanya na wala kang pakialam. Ipakita mo sa kanya na hindi siya kawalan sa'yo. Please, Winter. Alagaan mo naman sarili mo, tignan mo... pati si Tita at Tito, alalang-alala na sa'yo. Maraming maaapektuhan. Yung pag-aaral mo, Winter." She said and I couldn't help but to cry again.
Paano ko mapapakita sa kanila o kay Summer na kaya ko? Kung ang totoo, ay hindi? Paano ko maipapakita sa kanila na okay lang lahat sa akin kahit hindi naman? Ang sakit, sakit, sakit, sakit. Yung taong mahal na mahal mo, niloloko ka lang pala. Yung taong mahal na mahal mo, hindi ka naman pala mahal. Ang sakit! All this time? I was being a good girlfriend pero siya hindi naman pala? Siya lang naman ang hinintay ko, hinintay ko na dumating. Siya lang naman 'yung taong inaasam ko, e. He's my treasure since I was a child. Pero, hindi ko alam na sasaktan niya lang din pala ako. Ang sakit! Bakit niya kailangan gawin sakin 'yon? Bakit niya ako kailangang saktan? Bakit niya kailangang gamitin ako para makapanakit lang? Bakit ako pa?
"Winter... Tama na. 'Wag ka ng umiyak. Uy!" Niyugyog na ako ni Iza pero hindi ko pa din siya pinapansin. "Ay, bahala ka. Lalabas muna ako, okay? Ubusin mo 'tong pagkain mo. Nandyan lang kami sa baba. Kung may kailangan ka, sumigaw ka lang, okay? Nandyan kaming mga kaibigan mo. Buti talaga at nandoon si Thun noong gabing 'yon, at hindi ko alam kung anong mangyayari sa'yo kung walang magliligtas sa'yo." She said and I just continued to cry. "Sige na, ubusin mo 'to, ah. It's okay, Winter. You can face it. That's love, it hurts."
Nang makalabas na siya ng kwarto ko ay nagsimula na akong pagbabatuhin ang unan ko sa sobrang gigil ko. Tang ina! Hindi ba niya alam na mahal na mahal ko siya at todo isip ako na ayokong siyang masaktan? I grabbed my phone to look if he text me but there's none. Summer? How could you? Paano mo akong nagawang saktan kung ang gusto ko lang naman ay mahalin ka? Bakit mo kailangang gawin sakin 'to? You've been the greatest gift in my life yet you've been the most hurtful thing happened to me. Gustong-gusto kong ibato 'yung cellphone ko pero hindi ko magawa. Hangga't nakikita ko si Summer sa wallpaper ko, hindi ko magawang ibato. Sobra ko siyang mahal to the point na kahit saktan niya ako, handa akong patawarin siya at bigyan siya ng pagkakataon. Sabihin niya lang sa akin na kalokohan lang ang lahat at palabas lang 'yon. Pero, ilang araw na ang lumipas, hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin. Ang sabi nila Iza, pumapasok naman silang dalawa ni Bianca. That Bianca! That Bitch! Bagay nga sa kanya pangalan niya. BIanca T. CHeng. Napaka-epal sa buhay ko. Bwisit! Napaka-landi! I let out my frustration by shouting.
"AHHH!"
May narinig akong kalabog sa handaan pagsigaw-na pagsigaw ko. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at niluwa non si Thun. Thun, you've been my knight in shining armor.
"What happened? Bakit ka sumigaw?" He asked. Nakatayo lang siya sa pinto ko at naghihintay ng sagot ko. Kung may mas nakakaalam ng lahat, si Thun 'yon. Siya yung naging alalay ko noong gabing 'yon. Siya yung naging kasanggala ko sa pananakit ni Summer at Bianca sa akin. "Winter, say something." He walked towards me and I felt like crying all over again. "Winter, 'wag ka ng umiyak. Nasasaktan ako." He seriously said as he hugged me from his chest.
Kung siguro noong una, naging mabuting tao si Thun sa akin, baka nahulog nga ako sa kanya. Kung siguro siya na lang talaga yung batang kalaro ko noon, tatanggapin ko pa. Buti pa si Thun, kahit na akala ng maraming tao na bad boy siya, marunong pa rin siyang magmahal.
BINABASA MO ANG
Weather You Like It Or Not
RomanceWinter Breeze Cold is a typical 4th year high school student of Waltz Y Lion University. She keep finding her true love base on her treasure box. What's with the treasure box and who is her true love? Read to find out! ;)