Chapter 40: HER POV
Weeks had passed and it’s still the same. Pasko na nga bukas, e. Isa lang din ang iniisip ko ngayon. Isa lang din ang hiling ko.
Sana bigyan niya ako ng kaunting explanations sa lahat ng nangyari sa aming dalawa. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi ako maka-move on. Pero noong kay Summer, ang dali kong bumitaw. Siguro kasi, alam kong nandoon si Thun at dinadamayan ako? Ngayon kasi, kahit anong pilit ko, wala, e. Ganoon naman kasi talaga diba? Ang hirap ng sitwasyon. Alam ko kasi sa sarili ko na mahal ko pa rin siya at hangga’t walang explanations from him, alam kong di ako mapapakali kakaisip nang dahilan niya.
Marami akong na-realized na mga bagay pagtapos ng break-up naming dalawa ni Thun. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin tanggap.
Because, when you lose someone, someone you love, when they break your heart, it’s the hardest thing you could ever go through and no matter how much time has passed, it never really goes away. I’m really trying my best to forget him. I’ll think that I’m getting better, but then I’ll get a flashback, or hear a song that reminds me of a memory and it’ll hit me all over again. All at once, like a stab in a chest. I fell apart for a hundredth time and I’ll feel like I just want to crawl under a rock and never come out. I love him with all of my heart even though I know I shouldn’t. He hurt me worse that I’ve never been hurt. He stole my happiness, but yet, I still want him, and only him. Other people come along and give me chances to move on, but I know that I don’t want to. On top of it, I am terrified. Terrified of getting hurt again but it’s not like it matters anyway. At the end of the day I’m still thinking of him who has left me completely broken. I don’t want to miss him anymore. I don’t want to love him anymore, but I know I always will.
“Anak, anong oras ka pa bababa diyan? Mag-alas sais na ng gabi. Hinahanda ko na rin ang para sa Noche Buena natin. Kailangan mong maging masaya ngayon, ano ka ba? Hayaan mo na ‘yan. Nandito kami, ha?” Narinig kong sabi ni mommy sa labas ng pinto ko. Sobrang thankful ako sa kanila ni daddy dahil kahit alam nilang brokenhearted ako, hindi nila ako pinababayaan. Hindi sila gumagawa ng kahit anong alaala ni Thun sa loob ng bahay na palagi kong naiisip. Nariyan din sila Iza at Izmael na kahit kailan, hindi ako iniwan. Hays, ma-swerte pa rin ako kasi may mga taong hindi pa rin ako kayang iwan.
“Susunod na mommy. Mag-aayos lang ako.”
“Oo, dalian mo anak. May bisita ka pala rito sa baba.” Napakunot ako ng noo ko dahil wala naman akong inimbita maliban kila Iza at Izmael. Usually, hindi na ‘yon papansinin nila mommy. Hahayaan na lang nila ‘yung dalawang mag-kasintahan na ‘yon na dumiretso sa kwarto ko. Pero, ngayon? Parang may iba. Sino?
Hindi kaya si Devil?! Madafaker.
Nagmadali akong magbihis ng damit na binili namin ni mommy noong isang araw. Simpleng dress lang dahil wala naman akong pupuntahan ngayon na dapat noon mayroon. I shook my head to forget about those promises. Nang maayos ko na ang sarili ko ay saka ako huminga ng malalim bago buksan ang pinto ng kwarto ko.
Hindi ko naman kasi ‘to in-invite dito, e. Bakit kaya siya pinapasok nila mommy? Psh.
Nang makababa ako ay nakita ko agad si Devil na nakaupo sa sofa naman. Naka-dekwatro pa ang loko-loko. Feel at home lang, Devil? Umiling-iling akong naglalakad pababa ng hagdan na siya agad naman niyang napansin. Tinaasan ko siya ng kilay at huminto ng ilang distansya sa kanya. Tumayo siya sa kinauupuan niya at ngumiti ng nakakaloko. Pinitik na naman niya ang noo ko at napahawak ako doon.
“Bwiset! Paborito mo ba noo ko?” Galit kong sambit habang hinihimas-himas ‘yon. Samantalang siya ay nagpakawala na naman ng tawa. “Anong ginagawa mo rito? Inimbitahan ba kita?”
BINABASA MO ANG
Weather You Like It Or Not
Storie d'amoreWinter Breeze Cold is a typical 4th year high school student of Waltz Y Lion University. She keep finding her true love base on her treasure box. What's with the treasure box and who is her true love? Read to find out! ;)