Chapter 37: HER POV
How lucky I am to have known someone who is hard to say goodbye to? Sana hindi na lang siya nagpakilala. Sana hindi ko na lang siya nakilala. Sana hindi na lang siya nagpakilala na siya ‘yung batang gustong-gusto kong makita. Sana hindi na lang niya ginawa. Sana hindi na lang niya ako minahal. At sana hindi ko na lang siya minahal kung sasaktan din pala niya ako. Sana.. .hindi na lang.
And in second time around, he left me.
Parang ang dali. Ang galing-galing niya. Ang dali lang para sa kanya gawin ang lahat ng ‘yon samantalang ako hirap na hirap akong tanggapin. Tanggapin na ang katotohanan ay hindi na siya sa akin. Tapos ano? May ipinalit na agad siya sa akin? Sa ganoong itsura ko pa makikita? How dare he?
Ang sakit na makita ‘yung taong mahal na mahal mo may nakakandong na palang iba sa kanya.
“Wintz!” Tawag sa akin ni Iza sa labas ng boy’s rest room. Ilang minuto na akong nandito sa loob at walang humpay sa kakaiyak. Hindi ko kayang maglakad at tumayo. Natatakot ako na baka wala nang aalalay sa akin at iiwan lang din naman ako.
Nang magbukas ang pinto ay agad na nilapitan ako ni Izmael at Iza. Sinusubukan nilang tulungan akong mapatayo pero ako mismo, umaayaw.
“Wintz, ano ba! Tumayo ka nga dyan!” Bakas sa boses ni Iza na naiinis siya pero naaawa rin siya sa akin. “Wala na sila sa labas. Patapos na ang break-time, male-late tayo.” Dagdag pa niya at pilit inaangat ang braso ko na parang namanhid na kanina pa.
“Winter, hindi mo kailangan maging ganito. You have to be strong.” Izmael stated and I looked t him. “Seriously, hindi mo dapat iniiyakan ang ganitong bagay. ‘Yung mga bagay na nagpapasakit sa’yo ay hindi iniiyakan. Dapat diyan, kinakalimutan.” He added and I rolled my eyes at him.
“Paano ko—gagawin y-yon? Ma-hal ko si T-thun alam niyo ‘yan.” I said between my sobs. Si Iza naman ay kinuha ang panyo niya saka pinunas sa mata at pisngi ko. Ang sweet talaga nito kahit ganito ‘to. “T-thank you.” I said looking at her eyes.
“Iwan ka man nila, Wintz. Nandito naman ako, ha? Nandito naman kami ni Izmael para mahalin ka. Best friends for life, right?” She said while wiggling her brow. Napangiti na rin ako. Oo nga, tama sila ni mommy. Kahit ano namang gawin ko, kailangan kong tanggapin at lasapin ang pagmamahal na kayang ibigay ng magulang at kaibigan ko.
Tumayo na ako pagtapos noon. Mahirap, oo. Hindi naman ganoon kadali na tanggapin lahat pagkatapos ng nangyari sa amin ni Thun. Sino ba naman kasi ang madadalian? Mahirap baguhin ‘yung mga bagay na nakasanayan mo na kasama ang taong mahal mo.
Nang makabalik kami sa loob ng room namin ay kami na lang ang kulang pero wala pa rin naman ang next teacher namin. Thank God! Pinilit kong ‘wag tignan o sulyapan si Thun pero ‘yung puso ko ay ayaw magpaawat. Tumingin ako saglit sa kanya at nakita kong nakayuko lang siya habang kinakalikot ang ballpen niya. Inalalayan na lang ako ni Iza at dinala sa upuan ko. ‘Yung mga tinginan ng mga kaklase ko sa akin ay tagos hanggang buto. Siguro, pati sila, iniisip kung anong nangyari sa aming dalawa ni Thun. Nang makaupo ay unti-unti akong humugot ng hininga. I can do it.
“Akala ko hindi sila maghihiwalay? Sobrang sweet kasi nila, diba?” Bulong ng kaklase ko. Hindi ko sila pinapansin. Mas lalala kapag pinansin ko pa sila.
“Wala nga kasing forever.” Sagot naman nang kausap niya. Napaikot na lang ako ng mata. Hindi mawawalan ng forever kung ang mga taong nagmamahalan ay patuloy lang magmamahalan. Nagpapasalamat pa rin ako kasi buti na lang sa room na ‘to walang bitch. O, ‘yung grupo na mangbu-bully. Mukhang nagkamali ako, kasi lumapit ang grupo ni Bianca sa tabi ko. Sa kanan ko, to be specific. Inupuan ni Bianca ang pwesto ni Thun at narinig kong ngumisi siya. Napatingin ako sa kanya at ngayon ay kitang-kita ko ang pang-asar sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
Weather You Like It Or Not
RomantikWinter Breeze Cold is a typical 4th year high school student of Waltz Y Lion University. She keep finding her true love base on her treasure box. What's with the treasure box and who is her true love? Read to find out! ;)