Chapter 21

55 3 0
                                    

"You're not mad?" I asked as my chinky eyes widened in surprise. Nakatingala ako rito dahil magkayakap pa rin kaming dalawa. 

Nagbaba ito ng tingin sa akin at nginitian ako. "Why would I be? I will never be mad at you, baby..." 

"Really? I mean, you're not really mad?" 

Tinitigan ko pa ang mga mata nitong kanina ay napakalamig, ngunit ngayon ay hindi mo na mababakasan ng kahit anong lamig ito. It's just blue eyes with soft expression of Vernon. Somehow, I'm convinced to what he said. 

Eyes don't lie. 

"I'm just jealous..." napapaos nitong saad.

My cheeks reddened because of his answer. A jealous Vernon. 

"Don't be. It's you that I like, Vernon." 

Bahagyang bumaka ang labi nito sa sinabi ko. Natawa ako nang yakapin ako nito nang mahigpit at binaon ang mukha ko sa kaniyang dibdib. I can hear his heart beating so fast. Na parang kakagaling niya lang sa pagtakbo at ganito kabilis ang tibok nito. 

"I like you too, baby." he whispered on my ears as I felt him kissing my temple. 

Nanlaki ang mga mata ko roon at bahagyang namula. He kissed me! Kahit sa sentido lang ay ramdam ko ang labi nitong humalik! Para akong batang gulat na gulat dahil binigyan ako nang maraming candy dahil sa ginawa niya. 

Kumalas ito sa pagkakayakap at ngumiti sa akin. Napalunok ako roon at naglikot ang mga mata sa kung ano-anong bagay. Dahil kung magtatagal ang titig ko sa kaniya, baka tuluyan ng bumigay ang nanginginig kong tuhod sa kaba at kilig. 

"Let's go?" 

"A-Ah, sure..." sagot ko rito at nauna pang maglakad dahil nahihiya pa rin ako. 

It's not even my first kiss! Kahit ang mga ex ko ay nakahalikan ko na, they even kissed me the same way Vernon did. But never in my life my knees trembled because of it! I'm always confident on everything. Even with Naville, but with Vernon... I always lose my will to chin up. Na parang ang hirap niyang abutin at hindi karapat-dapat sa akin. 

He's too perfect for me, but please, let me be with him. I wanted to be with him even if he's too good for me. 

"Let's hold hands." he uttered before clasping his hands on mine. 

Nangingiti akong napatingin sa kamay naming iyon. I can even hear my own heartbeats because of the overwhelming feelings I am feeling today.

First, we hugged. Second, he kissed me on my temple, and now we're holding hands while walking. 

Nagpaubaya ako sa kaniya nang maglakad kami papasok sa mall. We bought tickets and snacks after deciding to watch a horror movie. It's about zombies. Hindi naman ako gaanong takot doon, kaya... susubukan ko na lang matakot mamaya. 

Pinili naming ang itaas na parte ng sinehan kung saan madilim at halos magkasintahan lang din ang nakikita kong nakaupo rito. Wala kaming katabi sa upuan at kokonti lang ang tao rito sa taas. Saglit lang ay nag-umpisa na ang movie na pinili namin. 

Napalunok ako roon at nilingon agad si Vernon pagkaupo namin. 

Should I really give him a prize? 

Binasa ko ang labi ko at namumulang napaiwas ng tingin dito nang lingunan ako nito. Buti na lang ay madilim sa parte na ito kaya hindi niya kita ang pamumula ko. 

"May nakalimutan ba akong bilhin?" bulong nito at pinisil ang kamay kong nakahawak sa kaniya.

Agad ko naman itong inilingan, hindi makatingin sa kaniya dahil sa binabalak ko rito. 

Eyes Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon