Chapter 7

77 5 0
                                    


Time flies so fast. Hindi ko na namalayan na sa susunod na araw ay umpisa na ng foundation week. Sabado ngayon at nandito pa rin ako sa school dahil sa practice namin sa pageant. Buong maghapon ay wala kaming ginawa kung hindi rumampa o hindi kaya ay i-practice ang talent namin.

Mag-vi-violin ako at ang kapartner ko namang lalaki ay kakanta. Buti na lang ay hindi naman required na sabay ang talent portion ng magka-partner. I'm not really good at singing, but my voice is fine naman.

Umupo ako sa isang upuan matapos ang pagrampa. Malapit ng maggabi at puno na ako ng pawis sa katawan. I think I smell so mabaho na. Sumandal ako sa upuan at pumikit muna upang magpahinga.

I was like that in five minutes, when I heard the other candidates are shouting. Napabalikwas ako sa pagkakasandal dahil baka cockroach ang pinagtitilian nila.

“Oh, my gosh! He's a Martin, girl!" Ang grade 10 representative ang nagsalita at hinampas ang katabi niya.

Nilingon ko ang pinag-uusapan nila at nanlalaki ang mga mata nang makita si Naville. Nilibot nito ang paningin sa buong gym na parang may hinahanap.

What is he doing here?

“Excuse me, Miss..." dinig kong saad ni Naville isang candidate.

Mabilis akong pumunta sa bag ko at agad nag-spray ng perfume at nagpunas na rin ng pawis kahit kakapunas ko lang kanina.

“Mine..." Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses nito sa likuran.

I immediately hide my perfume back on my bag.

“Naville!" Kunwari ay gulat kong saad.

Ngumisi ito sa akin. “You smell so good, mine..."

“What, Naville?! Pawis ako. I don't smell so good!" I said in a defensive tone.

“Right..." Natatawa nitong saad kaya namula ako roon. Maybe he saw me spraying perfume on my body.

“Shut up. Why are you here?" I asked, as I felt my cheeks reddened.

“Picking you up."

“We're not yet done, Naville--"

“I will wait. I'm not busy, I will watch you." Nakangiting sagot nito at umupo sa bleachers.

“Behave then." sagot ko na lang at umupo nang malayo sa kaniya.

Napansin niya iyon at agad kong tinaasan ng kilay. He even tapped the chair next to him. Mabilis ko itong inilingan.

“I smell not so good, Naville."

“I told you, you smell good..." he said.

“That's because I spray--" natigil ako sa kalagitnaan nang mapagtanto iyon. Nakita ko ang nakakalokong ngisi nito sa akin.

It's confirmed! He saw me spraying perfume!

“Shut up!" Namumula ko ng saad.

Narinig ko ang paghalakhak nito at ang paglipat ng upuan. My eyes widened because of that. Lumayo rin ako rito at lumipat ng upuan.

We're like stupids doing that, transferring from one chair to another, until I felt the hard pillar on my back, leaving me no choice, but to stand up. Ngunit bago ko pa magawa iyon ay nakulong na ako ni Naville sa mga braso niya, pinning me on the pillar.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin doon at mas lalo pang siniksik ang sarili sa haligi. Nakarinig pa ako ng tilian at alam kong nakuha na namin ang atensyon nila.

“W-What are you doing, Naville? We're on my school." I whispered.

“What? I just want to sit next to you, mine."

Eyes Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon