Chapter 15

64 4 0
                                    


"Susunduin ka?" tanong niya nang makalabas na kami ng gym.

Nilingon ko ito at namumulang tumango. Gustuhin ko mang manatili kahit saglit ay baka magtaka na si Mom at hindi agad ako umuwi.

Sayang. I wanted to stay pa naman, pero hindi naman pwedeng buong araw ay nasa gym kaming dalawa.

Nahinto kami sa paglalakad nang marating ang covered walk.

"Uhm, you can go first... Kaka-text ko pa lang kasi sa driver namin."

Kumunot ang noo nito.

"We will wait, then." Napanguso ako roon at mabilis nag-iwas ng tingin sa kaniya.

We're waiting under the same roof. Kaming dalawa lamang.

Sana... sana ma-traffic si Manong.

"Your dream catcher is effective. I had a good sleep last night." Napangiti ako roon.

My dream catcher is effective too. Gusto ko sanang sabihin iyon dahil kasama siya sa panaginip ko kagabi.

"Really? What did you dream about?" Nilingon ko ito at nakita ang pagsungaw ng ngiti sa kaniyang mga labi.

"Something good... someone I want to see."

Is it me?

You're so assuming, Astrid!

Napanguso ako sa huli at namumulang napaiwas ng tingin sa kaniya.

My heart clenched thinking about him dreaming of a girl, and it's not me. She's so lucky. Vernon Ross Alvarez dreamt about her. Vernon wants to see her.

"That's good." Nakanguso kong saad, ipinagsawalang bahala na ang iniisip.

So, what if he dreamt about her? At least he's with me right now. This is fine. Kahit ganito lang kalapit, pwede na.

"It's really good." Dinugtungan mo pa.

Napanguso ako lalo roon.

"Are you busy tomorrow?" he asked.

Nilingon ko ito at nasalubong ko na naman ang asul nitong mga mata. My heart started to beats fast. Na parang nakikilala nito ang mga matang nakatitig sa kaniya. Asul na mga matang kay sarap pagmasdan.

Isang tingin lang sa mga mata niya, nakakawala na ng sakit na nararamdaman.

"Hindi. Ikaw?" I asked back.

"Hindi rin." Napatango-tango ako sa kaniya at binaling ang tingin sa iba upang maibsan ang kaba na nararamdaman.

Silence filled the two of us after that. I don't know what to say next, but I want us to stay like this. Na kahit tahimik... basta kasama siya.

Bumusina ang sasakyan namin nang makita ako. Napanguso ako roon, dahil ang bilis ng oras tuwing kasama siya.

"Vernon." Nilingon nito ang sasakyan namin bago ako lingunin.

"See you." Paalam ko rito.

"See you, Nivea."

Napakagat ako ng labi, wala ng masabi, ngunit ayaw naman gumalaw ng mga paa ko upang maglakad paalis.

"Well... can we meet tomorrow?" Nahihiya kong tanong, pinamulahan na sa sinasabi ko. It's now or never. "Babayaran sana kita bukas... or maybe I can get your bank account to send you the money?" Please, choose the first one.

"It's fine, Nivea. You don't have to pay for it."

"I still want to pay you... I mean, ako ang bumili n'on, I should pay for it. Ayokong magkautang sa'yo." Napapikit ako nang mariin sa palusot.

Eyes Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon