Chapter 13

72 3 0
                                    


Kasalukuyan kaming kumakain. Ang pisngi ko ay pulang-pula dahil sa kahihiyan kanina. I don't even know why do I still have the courage to face him. Kung tutuusin, ang dami ko ng kalokohan na nagawa sa kaniya.

Sinulyapan ko ito at muling napaiwas ng tingin nang makitang nakatitig pala siya sa akin.

“What will you do next after this?" he asked.

“I-I will buy souvenirs." I said, stammering.

“Hmm... can I go with you?" Nagulat ako sa tanong nito at mas lalo lamang pinamulahan.

Kumalabog ang dibdib ko dahil sa kaba.

Shit.

Sasama lang sa'yo, Astrid! Baka may bibilhin din kaya gustong sumama! Bakit ka naman kinakabahan?

“Pwede naman..." sagot ko.

“It's fine if you're not comfortable with me."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at sunod-sunod na inilingan. Shit.

“Ayos lang sa akin." he nodded, then smiled at me.

Muli akong napaiwas ng tingin dahil mas lalo lamang lumakas ang pagkabog ng dibdib ko nang ngumiti siya.

Am I having a crush on him na ba?

Naalala ko ang sinabi ni Mom noon sa akin. It's normal to have a crush. At saka hindi naman na siya crush ni Katya... siguro naman ayos lang na magka-crush ako sa kaniya?

Crush lang naman, Astrid. It's just normal...

AFTER we finished our food ay dumiretso na kami sa bilihan ng souvenirs. It's still seven thirty, kaya kahit matagalan ako sa pagpili ay ayos lang. Ang kaso ay nakakahiya kay Vernon. Baka may gagawin pa siya pagkatapos niyang mamili?

Napanguso naman ako at nilingon itong namimili sa mga stuffed toys na puro starfish. He's simply wearing a khaki shorts and white shirt, yet the attention he gets are overflowing.

Ang ibang namimili rin sa shop ay halos magkandabali ang leeg sa paglingon sa kaniya. May lumapit pa sa kaniyang isang saleslady na malawak ang ngiti at kinausap siya. The girl's eyes twinkled when Vernon talked back to her.

I can't blame the girl.

Vernon's really handsome. He looks like one of those Gods, malaki ang pangangatawan, matangkad, idagdag pa ang misteryoso nitong asul na mga mata.

Kung tutuusin... ang hirap niyang abutin. He's already successful, sa surname pa lang ay masasabi mo na iyon. Kaya kung magka-crush man ako sa kaniya ay hindi magiging big deal iyon. I'm just one of those girls na hanggang tingin at paghanga na lamang. I'm just lucky, since I am working under their company.

My heart clenched upon thinking about it.

I swallowed hard and decided not to look at them.

That's fine, Astrid. He's just a crush.

Pagkukumbinsi ko sa sarili ko.

Naglakad ako palayo sa kanila at lumapit sa counter kung saan naka-display ang mga handmade accessories. The lady at the counter approached me. Tinuro ko naman dito ang keychain na starfish na nakita ko.

“Twenty lang po isa, Ma'am." Nakangiting saad nito.

Tiningnan ko pa ang ibang design at pumili ng apat. I even saw a handmade sling bag. Kumuha ako ng dalawa para sa amin ni Katya at nagtingin pa ng iba.

I even saw a moon shaped dream catcher that you can hang on your door. Nang ituro ko iyon sa babae ay agad naman niyang inabot.

“Gawa ko po 'yan, Ma'am." she said.

Eyes Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon