It was an awkward minute for the two of us. Kung hindi lang ako nahiya ay baka tinitigan ko na ito buong magdamag.I know he recognized me even if I'm wearing my face mask and hoodie. Mabilis akong nag-iwas ng tingin doon at napanguso.
Bakit siya nandito? Bagong lipat ba siya? I remember that condo isn't preoccupied when I'm still living here.
Binili niya ba? At alam din niya bang ako ang nakatira sa unit na katapat ng condo niya?
"Oh... hi..." nahihiya kong bati rito.
Hindi ako nito inimik kaya pinamulahan ako roon.
Paano kung hindi niya pala ako nakilala? Shit! Nakakahiya ka naman, Astrid! At paano kung hindi niya rin alam na dito ka nakatira?!
Mas lalo akong nahiya sa iniisip at bahagyang natawa at napagpasyahang talikuran na siya.
Baka galit pa rin siya sa akin. Sa pang-iiwan ko sa kaniya at pananakit noon.
I understand that I could never get things back. Kaya ayos lang...
Nakaya ko ngang mag-isa ng ilang buwan. This is just easy for me!
Aalis na dapat ako roon nang magsalita siya bigla.
"Where are you going?" Mabilis na tanong nito.
Napalingon naman ako rito at tinuro ang sarili ko. "Ako ba?" Kunwari ay maang-maangan kong tanong.
He sighed and nodded. "Yes. It's only the two of us here, Nivea Astrid. Unless you're seeing a ghost."
Kumalabog ang dibdib ko sa pagtawag nito sa pangalan ko katulad lang noon.
"B-Bibili lang ng sampalok..." napaawang ang labi ko nang mag-angat ito ng kilay.
"Are you craving for tamarind? It's already night to eat that." Kunot-noo nitong tanong sa akin.
"H-Hindi! Sa sinigang na niluluto ko..." nahihiya kong tugon dito.
"You're cooking?" Gulat ang mga mata nitong tanong, ngunit agad ding napatikhim at tinago ang gulat na iyon sa asul nitong mga mata.
"O-Of course! I know how to cook..." saad ko, dahil parang hindi kapani-paniwala sa kaniya ang narinig niya.
"Ah, okay." Malamig na tugon nito pagkatapos.
Bumagsak naman ang balikat ko roon dahil mukhang gusto niya ng putulin ang pag-uusap naming dalawa. Naiistorbo ko ba siya? Galit pa rin talaga siya sa akin?
"S-Sige... alis na ako." Pagpapaalam ko rito.
"Nivea..."
Nahinto ako roon.
"I have one in my kitchen."
Nilingunan ko naman ito at napalunok.
Napangiwi ako nang matikman ang maasim na lasa ng sinigang na baboy na niluto ko. Mukhang ayos naman na dahil mas masarap ang mas maasim na sinigang sa akin.
Pinakuluan ko pa ito saglit sa mahinang apoy ng kalan at sumandal sa bar counter ng kusina ko.
Napanguso ako nang maalala kung paano nito malamig na inabot ang sampalok na kinuha niya sa unit niya at iabot sa akin. Pagkatapos kong magpasalamat ay tinanguan lang niya ako at pumasok na ng tuluyan sa unit niya.
I sighed as I chewed my lower lip thinking about it.
He's cold. I know I deserve that kind of treatement after hurting him.
Hindi lang talaga ako sanay... na makitang ang malamig na titig ng mga mata nitong dati ay nakangiti sa akin tuwing titigan ako.
Baka sa iba niya ginagawa iyon ngayon. I remember he's already taken. Sila pa rin ni Vienna. Naghiwalay man kami ni Naville ay hindi nito mababago ang katotohanan na hindi na para sa akin si Vernon.
BINABASA MO ANG
Eyes Don't Lie
General FictionBrain will contradict, mouth will deny, but eyes can't lie. Alvarez Series #1 Started: June 10, 2020 Ended: June 11, 2024