Chapter 25

54 5 0
                                    


Madalas daw kapag masaya ka, pakiramdam mo ay mabilis ang oras. At kapag naman malungkot ka ay kay tagal-tagal.

Napabuntong-hininga ako habang nakikinig sa prof namin. Hindi kami magkikita ni Vernon ngayon dahil may dinner kami ng family sa labas. It's been a while since we last did that. Madalas kasi ay busy si Dad sa kompanya. Susunduin ako ng driver namin mamaya kaya hindi pa kami nagkikita ni Vernon simula nang isang araw pa.

May naging project kasi siya sa Palawan at ngayon lang nakauwi. Hindi naman ako pwede ngayon kaya baka bukas pa kami magkitang dalawa.

Napalingon ako sa dating pwesto ng upuan ni Wena nang una siyang pumasok. Wala na siya roon at ang balita ko ay lumipat ito ng ibang course. Hindi ko nakwento kay Katya ang nangyari noon sa restaurant. Hindi naman ito kumalat kaya hindi rin nakarating sa kaniya.

I'm still mad at Wena until now. She never and was sorry to what she did to me. Basta na lamang siyang umiwas. I don't even see her here in school. Siguro ay mas ayos na rin iyon kaysa mag-away kami ulit na dalawa. Galit ako sa kaniya at ayoko ng madagdagan ang galit ko pa lalo rito.

Natapos ang klase buong maghapon. I texted Vernon that I'm going home. May klase pa si Katya kaya ako ang mauunang umuwi sa aming dalawa dahil sa family dinner.

Mabilis ko agad binuksan ang pintuan ng sasakyan namin habang tumitingin sa kaka-send lang na mga picture ni Vernon sa Palawan. He even sent me a starfish. Ang iba naman ay ang karagatan at mga selfie niya.

Pagkauwi ko sa bahay ay agad na akong nagpalit ng pang-alis. Mom said we will also talk about my upcoming birthday. My birthday is nearing na kasi. Gusto ni Mom na customized ang gagawing gown ko. Ayoko na sana ng engrande pa dahil may problema na sa kompanya, ngunit ang sabi naman nila ay gusto nilang bumawi sa akin sa nakaraan kong debut na hindi natuloy dahil na-ospital si Dad. I chose to postpone it that time because I won't enjoy it knowing Dad is hospitalized. Kaya ngayon ay hindi pumapayag si Mom na hindi bongga ang birthday ko. She said a debutante ball will happen even if I will turn nineteen this year.

If there's a ball, then I will need to have an escort?

Napangiti agad ako at in-imagine si Vernon na magiging escort ko sa birthday. Siya ang magiging huling sayaw ko at magbibigay ng huling pulang rosas sa akin. Marami na akong nasayaw noon sa prom, ngunit hindi ako ganitong ka-excite.

Ngayon lang. Dahil si Vernon ang pinag-uusapan.

"How's your school, baby A?" Malambing na tanong ni Mom nang makasakay kami sa sasakyan.

"Ayos lang po, Mom."

Hindi namin kasabay si Dad dahil dumiretso na ito sa restaurant. Ngayon na lang talaga kami nakalabas magpamilya. Na-miss ko rin ito dahil bukod sa busy lagi si Dad ay madalang na lang namin din siya makasabay sa hapag.

"You seem inspired, so I know you will do good."

Do I look so inspired? Well... for future purposes. Matalino si Vernon. Ang sabi ni Katya ay nag-top ito sa board exam. Sikat din na Engineer sa Pilipinas, lalo na at mas kilala ang kompanya nila roon. At young age, he's so successful. I'm so proud of him. That's why I should study harder too. Kaya kung ako man ang magiging asawa niya, he will be proud of me.

I blushed at my thoughts. Huminto na ang sasakyan namin at iyon pa rin ang nasa isip ko.

After I graduate, I will pursue joining Binibining Pilipinas. By then, I will probably be in my 20's and he's in near 30's. At kung manalo man ako agad at makasali sa Miss Universe ay tatagal pa ng ilang taon. He will probably in his 30's and his parents will be needing a grandchild.

Ilang taon pa bago ako maaaring magpakasal noon. Mahihintay niya kaya ako? My dream will take too long to accomplish. Samantalang siya ay pamilya ang gusto niya, na hindi ko naman maibibigay agad-agad. Pero pagkatapos naman ng mga pangarap ko, handa na rin siguro ako noon. Sana lang ay mahintay niya ako.

Eyes Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon