No matter how hard you try, if it's not meant for you, then it isn't. There are things that we can't just have. And if I lose this one, I will accept it wholeheartedly.
Kasalukuyan akong nire-retouch ng make-up artist ko sa backstage. Ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang pageant. May konting kaba sa aking dibdib, ngunit alam ko namang hindi ito makakaapekto sa akin mamaya.
“Ang ganda mo talaga, Astrid! Konting ayos lang ang kailangan sa'yo!" Papuri nito na sinuklian ko lamang ng tipid na ngiti.
Hindi gaanong kakapal ang make-up ko hindi katulad sa iba. Ang bilin kasi ni Mom ay kailangang magmukhang natural lang ang make-up. Mas malakas daw ang impact noon kaysa sa makapal.
“Manang-mana kay Raia!" saad nang hairstylist ko naman.
Humalakhak ang dalawa at nagkwentuhan na.
“Psst, Astrid." Nilingon ko si Katya na sumama sa backstage. Buti na lang ay nakalusot siya, kahit ang sabi ay taga-ayos lamang ang pwedeng pumasok dahil masyado ng crowded.
“Akin na phone mo. I will take a picture of you later, so your Naville can see it." Napairap ako roon, ngunit inabot na rin ang phone ko sa kaniya.
“Sayang talaga mala-late ang manok ko." Dinig ko pang bulong nito.
Good thing he will be late. Sana nga ay sa announcement na lang talaga siya pumunta. Baka kabahan ako sa kaalamang nanonood siya.
“I have news for you, Astrid!" saad nito nang parang may naalala.
“What is it?"
I saw how her cheeks blushed at hinawi pa ang buhok nito at kinawit sa kaniyang tainga.
“Vernon Ross Alvarez is one of the judges!" Nangingisay na saad nito, may kasama pang paghampas sa braso ko na agad naman sinuway nang hairstylist ko dahil nagulo nang konti ang buhok ko.
“Alvarez ba, beh?" Ang make-up artist na mukhang napukaw din ang atensyon sa binalita ni Katya.
Kumunot pa ang noo ko saglit at inalala ang pinagkwentuhan namin kahapon. If my memory's right, he's the blue eyed Alvarez na nali-link kay Vienna. He will be one of the judges? Ang akala ko ba ay ang Nanay nito ang kadalasang nagju-judge? Siguro ay siya ang nag-judge dahil babalik nga pala si Vienna rito para koronahan ang mananalo.
I saw Vienna earlier. Nawala na nga lang ulit sa paningin ko pagkatapos ng isang sulyap. Maybe she's with his blue eyed boyfriend. Speaking of blue eyes, the pervert-guy-who-touched-my butt-yesterday has blue eyes too. Ngayon ko lang napagtanto na baka kaya nandoon ang lalaking iyon ay dahil hindi naman siya tunay na lalaki? Maybe he's gay? Like why would a guy do in a salon? Para magpa-spa? I know I shouldn't discriminate guys, but it's just that, once in a blue moon lang ako makakita ng lalaki sa spa.
Kung bakit hindi ko naisip iyon kahapon ay hindi ko na alam. Maybe I'm too preoccupied about him, touching my butt? But I remember na someone's calling him dude. Or maybe that's only their call sign? Para hindi sila mabuko?
Kung tutuusin ay manghihinayang nga ang mga magulang nila. The guy yesterday has a broad shoulders and muscles too. Panigurado kapag nakita ni Katya iyon ay mahahampas na naman ako sa braso, may itsura pa naman.
“Oo! Ang gwapo nga, e! Kaso biglang nawala! Kasama siguro si Vienna, wala rin siya dito." Nilibot pa ni Katya ang backstage na puno ng mga contestant at kani-kanilang taga-ayos.
“Naku, makalaglag panty mga Alvarez!" Ang bading na nag-aayos ng buhok ko ang nagsabi.
Mukha namang natuwa si Katya, sa wakas ay may kaparehas siya ng nararamdaman. Kung pwede lang sigurong mag-heart ang mata ay nagawa na nila.
BINABASA MO ANG
Eyes Don't Lie
General FictionBrain will contradict, mouth will deny, but eyes can't lie. Alvarez Series #1 Started: June 10, 2020 Ended: June 11, 2024