"Oh, my gosh, Astrid!"
Muntik na akong masamid sa bungad sa akin ni Katya nang sagutin ko ang tawag nito. Umiinom kasi ako ng gatas nang tumawag siya.
"Katya, calm down." Pagpapaalala ko sa kaibigan.
Isa lang naman ang rason kapag ganiyan ang reaksyon niya. Lalaki. Her thousands of crush. She said it's her inspiration to live in this cruel world.
Kakatapos ko lang maligo at patulog na sana pagkatapos maubos ang gatas na iniinom. Sa susunod na linggo ay uuwi na si Katya at malapit na rin akong matapos sa kontrata. Wala rin naman na akong gaanong shoot sa susunod na linggo kaya baka makagala agad kami ni Katya pagkauwi niya.
I remember some known local designers gave their calling card to me. Nagdadalawang isip pa ako roon dahil gusto ko munang mag-focus sa pag-aaral ngayong college na ako. At saka ang sabi ni Mom ay kailangan ko ng mag-start sa pagpa-practice kung gusto ko talagang sumali sa Miss Universe. I'm already eighteen and turning nineteen this year, at pasok ang height kong 5'7'' sa kakailanganin para makasali.
"How can I calm down?! Are you dating Vernon Ross Alvarez, Astrid?!" Tuluyan na nga akong nasamid sa gatas na iniinom nang sabihin iyon ni Katya.
"H-Ha?" Nalilito kong saad, hindi na alam kung dapat ko bang sabihin kay Katya ang totoo.
"Don't deny it, Astrid! I saw your IG story and his story! Magkaparehas ng pagkain! I even saw a man's hands on your story! Don't tell me it's Naville? Ano? Nagkabalikan kayo? O si Vernon Ross Alvarez nga iyon? Ngayon lang ulit kita natawagan, kaya huwag kang magsinungaling sa akin!" Sunod-sunod na tanong nito sa akin.
Mabilis naman akong kumuha ng tissue upang punasan ang natapon na gatas sa kamay ko. Pakiramdam ko ay pinamulahan ako sa sinabi nito.
"Hindi, Katya. Naville and I are already done long ago."
"So, it's Ross Alvarez?! I saw his recent post, credits to my baby! Ikaw ang nag-picture? Oh, no, don't lie to me, Astrid!"
"Calm down, Katya." Pagpapakalma ko rito, kahit wala naman atang makapagpapakalma sa kaniya ngayon.
"So, totoo nga? You didn't deny it. Nang tanungin kita tungkol kay Naville, mabilis mong dineny... tapos... Ross Alvarez nga, Astrid?"
"We are dating." Sagot ko upang matigil na ito.
Ilang segundong nabalot ang katahimikan ang kabilang linya. Akala ko ay magagalit ito sa akin dahil dina-date ko na ang dating crush niya. Ngunit halos mabingi ang tainga ko nang marinig ang tili nito.
"My hunch was right! Oh, my gosh!" Nakahinga ako nang maluwag sa tili.
"Alam mo ba muntik ko ng malaglag ang phone ko nang makita ang story niyong dalawa! Akala ko namalikmata lang ako, pero hindi, e! Never ka namang nag-story ng ganoon! Kita iyong kamay nang lalaki! And I stalked Ross Alvarez's account, he's following you! And I also saw his likes on all of your post!"
"Kailan pa?" she excitedly asked.
"Days after you talked to Sean."
"Ganoon na katagal?! Bakit mo nilihim, Astrid? Ano? Patago lang kayo? Ayaw ba niyang malaman ng iba? Or baka naman maraming side chicks 'yon?"
Napanguso ako sa huling sinabi nito. Side chicks? That won't happen.
"Stop it, Katya. Hindi pa naman kami, nanliligaw pa lang iyong tao kaya hindi na kailangang malaman ng iba... Saka you know my contract on their company."
"Nanliligaw?! Uso pa ba 'yon? Kung sabagay, nanligaw din sa'yo si Naville."
"Katya..." pagbabanta ko rito.
BINABASA MO ANG
Eyes Don't Lie
General FictionBrain will contradict, mouth will deny, but eyes can't lie. Alvarez Series #1 Started: June 10, 2020 Ended: June 11, 2024