Chapter 28

49 3 0
                                    


I can't even remember how much courage I gathered just to walk away from that break up. Gustuhin ko mang bawiin ang mga salitang nabitiwan noon ay hindi ko na maibabalik pa. It's been years since I broke up with Vernon. Kay bilis lumipas ng panahon at hindi ko man lang namalayan ang oras at ni anino ni Vernon ay hindi ko na nakita simula nang mangyari iyon. Even in his social media accounts, he deactivated too. My birthday party that I anticipated with Vernon didn't came. Sa huli ay nasunod ang gusto ng parents ko at si Naville ang nakasama ko.

The years without him feels so empty. Malapit na akong gumraduate, ngunit tila kailan lang nang ipagtabuyan ko siya.

I miss him... so much.

"Totoo ba?!" Mabilis nabaling ang atensyon ko sa mga babaeng nagtitilian habang nakatitig sa phone nila sa hallway.

Lalampasan ko na lang dapat iyon dahil naghihintay na ang driver namin nang marinig ko ang pangalan niya. It feels like my heart stopped beating for a second.

"Shit! Sila na kaya talaga ni Vienna?! Ang hot pa naman ni Ross Alvarez! Sayang!"

Nilingunan ko ang nag-uusap. Did I hear it right?

"Gaga! Ang ganda kaya ni Vienna! Wala kang panama roon, 'no! Sumasali kaya 'yon sa pageant!"

Are they dating? Tama ba ang dinig ko?

"Kaya pala parang nakita ko dati noon si Ross sa parking lot! Si Vienna pala ang pinupuntahan! Kakilig naman!"

Nanggilid ang luha ko roon. Ako dati 'yon. Iyong hinihintay niya sa parking lot kapag uwian na o 'di kaya ay kapag dinadalhan niya ako ng pagkain.

"Hala! Legit ba?!"

"Oo--"

"Astrid, tara na!" Natigil ako sa pakikinig sa kanila nang hilahin ako ni Katya palayo roon. "Bar tayo mamaya, tutal weekends naman!"

Mabilis akong napaiwas ng tingin sa kaibigan. "M-May gagawin--"

"Sa akin ka pa ba magsisinungaling, Astrid?" Pilit ang ngiti nitong tanong at tumigil kami sa pagbaba sa hagdan.

Mabilis ako nitong niyakap kaya agad nanggilid ang luha ko roon at napahagulhol. "It's okay to cry if you're still hurting, Astrid. Kaya huwag mong ipunin ang sakit kung hindi mo na talaga kaya. Nandito lang ako."

Napayakap ako nang mahigpit kay Katya at mas lalong napaiyak. I am so lucky to have her.

"Lasing na!" Dinig kong saad ni Katya kaya kunot noo akong napamulat ng mga mata roon at tiningnan ang kausap niya.

I immediately saw Naville staring at me. Agad ko itong nginitian at napaayos ng upo at hinanap ang dala kong bag sa couch na inuupuan namin.

"Nako! Nandito na pala ang lover boy!" Panunukso nila Janeth sa akin at naghalakhakan.

"Ilan ang nainom mo?" Naniningkit ang mga matang tanong nito nang tabihan ako at iabot ang bag na hinahanap ko kanina pa.

"I'm not drunk..." pagdepensa ko agad.

"Not drunk, but can't find her own bag?" Inirapan ko ito at tinawanan niya lamang ako. "Iuuwi ko na. Let's go home, mine."

Tinulungan ako nitong makatayo. Hindi pa naman ako gaanong lasing, sadyang nahihilo lang talaga ako sa dami ko ng nainom.

"How 'bout you, Katya?!" Lingon ko sa kaibigan, dahil mukhang walang balak na sumabay ito ngayon.

"May kasabay ako!" Pagtataboy nito sa akin kaya agad akong napanguso roon.

"May kasabay or may maghahatid?" Napangiti ako nang asarin nila sa Katya. I immediately noticed the irritation on her face nang banggitin nila ang pangalan nito.

Eyes Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon