I smiled sweetly at the camera. Nakarinig pa ako ng palakpak at papuri sa kung saan.
I'm currently wearing a white cropped top camis sleeveless paired with a pastel pink pleated skirt.
Pagkatapos ng meeting ay nag-umpisa na kaming mag-shoot kinabukasan. It was actually rush, because next week, we need to go to a resort to shoot our summer outfit. It's already first week in April, at kailangan umabot ang shoot bago pa mag-summer vacation. Our school kasi ay napaaga sa pagtatapos ng school year, since we started early of June.
Ang sabi nila ay madalas abangan ang mga beachwear na ilalabas ng AECL. As for me, I wasn't allowed to wear revealing one, since I am still a teen, though I am wearing bikinis naman na, and I'm already on my right age. It's just that the company are so stick to the rules and regulations. My summer outfit will be a bit conservative, unlike some of my co-models, that's really endorsing bikinis.
I'm actually nervous, thinking that my collection will be the lowest benta for this year. What if they don't like me and how I modeled the clothes?
Chill, Astrid.
Think of this like a pageant. Chin up and claim the crown.
Ganoon nga ang ginawa kong pagpapalakas ng loob. Dinagdagan pa ng kaba ko kay Sean Alvarez na siyang kumukuha ng litrato sa akin!
Kaya pala siya ang naatasan na mag-asikaso ay dahil siya ang magiging photographer! An Alvarez is my photographer! Imagine my surprise when I also found out about it. Kanina ay para pa akong tuod sa kaba nang malaman kong siya ang kukuha ng mga litrato sa akin.
Nilukob ako nang kahihiyan, lalo na nang maalala ko ang pang-aakusa ko sa pinsan niya.
May alam kaya siya? Of course! Hindi palalampasin ng isang Alvarez ang pambibintang ko!
I don't know if I look good on the picture, but Sean Alvarez didn't complain after the shoot, so maybe I look good naman?
Napanguso ako nang maalala ang lalaking may asul na mga mata at ang pagtatagpong nangyari nang isang araw. Sa tuwing naalala ko iyon ay gusto ko na lamang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan.
Why am I so overconfident ba kasi that time? I shouldn't have said that!
Lumapit si Fran, ang personal assistant na in-assign sa akin ng manager ko, dala-dala niya ang tumbler ko na may lamang tubig at isang mini-fan na agad niyang binuksan nang makalapit ako.
She actually looks young, siguro ay hindi nalalayo ang edad niya sa akin.
"Tubig po, Ma'am. Nasa dressing room na rin po ang packed lunch niyo." Tumango ako at inabot ang tumbler ko at uminom.
It's actually tiring pala. Lalo na at madalas akong nagpapalit ng damit at pabalik-balik sa assigned dressing room.
Pumasok ako sa dressing room at sumunod naman ang PA ko. Agad akong dumiretso sa toilet to change my clothes first, before eating my lunch. Buti na lang ay natapos na namin i-shoot ang collection ko for today. I'm so exhausted and tired, though I think it's all worth it naman. I'm starting to like modelling like how I love joining pageants.
I also admire the team. Kung sa akin pa lang ay hirap na ako, how much more to them, right? Also my make-up artist that's always standby tuwing break time to retouch my make-up. They didn't complain, it's like they are used to their jobs kahit mahirap. Even my make-up artist didn't, he always praised me with wide smile on, every time na ire-retouch niya ang make-up ko.
I just realized now that there is no easy job. It will only be easy if you love it. That if you love your job with passion, you won't ever get tired of it. That you won't think of how your day will end, instead, you will look forward for tomorrow's happening.
BINABASA MO ANG
Eyes Don't Lie
Ficción GeneralBrain will contradict, mouth will deny, but eyes can't lie. Alvarez Series #1 Started: June 10, 2020 Ended: June 11, 2024