FLASHBACK ✔

428 41 20
                                    

"Mama! Papa!" Halos liparin na ni Dañale ang pagitan nila ng kanyang mga magulang na kanina pa naghihintay sa kanilang magkapatid. She just couldn't stop herself from being excited because she hadn't been with their parents for almost three years. She'd been in Germany for the past two years. She's just 16 back then, doon siya nag-aral ng dalawang taon dahil nandoon ang Grandpa niya na siyang nag-alaga sa kanila ng kanyang kuya Cráezs. At ngayon, nakita na niya ang kaniyang mahal na mga magulang.

"Lyra," mangiyak-ngiyak na sabi ng kanyang ina na si Crazelyn kasabay ng isang mahigpit na yakap. "Oh God! I missed my Baby Lyra."

Mabilis siyang kumawala sa yakap ng ina at nag-pout. "Mama, I'm not baby anymore... Look." Umikot siya sa kanyang kinatatayuan at pinakita ang kanyang hubog na katawan saka ngumiti. "I'm not a baby, right? I'm a princess."

Lumapit sa kanya ang kanyang Papa na si Drake at inakbayan siya. "Lyra, dalaga ka na pero para sa amin ng Mama mo ikaw pa rin ang baby namin dahil ikaw ang bunso." Wala na siyang ibang magawa pa kundi ang mag-pout nalang.

"Princess," sabad ng kanyang kuya. "Para sa akin ikaw lang ang Princess ko..." Tumigil siya na parang may iniisip. "Pero ngayon lang ha.. Kapag nagkaroon na ako ng anak na babae, hindi na kita princess," sabi niya habang nakangisi.

Aba! Nang-go-good time ang kuya niya. Akala pa naman niya maganda ang sasabihin nito, 'yun pala kalokohan lang din. Hayst! Wala na talagang pag-asang magiging dalaga siya sa mga mata ng pamilya niya dahil lahat sila baby pa rin turing sa kanya.

'Kung bakit kasi 'di sila gumawa ng isa pang anak. I want to have little brother or little sister.' Sabi nalang niya sa kanyang isip.

"Let's go. May jet lag pa kayo kaya magpahinga na muna kayo sa bahay," sabi ng kanilang Papa. Ang driver nalang nila ang nag-asikaso sa kanilang mga bagahe at sila naman ay naglakad na papuntang parking lot.

MAHABA ANG naging tulog ni Dañale sa biyahe hanggang sa makarating sila sa kanilang bahay. Bahay nga ba? Eh sa mansiyon sila nakatira eh. Pagkagising niya ng 6 pm ay naligo na siya at nagbihis. Pagkatapos ay lumabas siya sa kanyang kwarto at pumunta sa hardin kung nasaan ang kanyang Papa na kaharap ang laptop.

Accidentally In Love With A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon