Chapter 16 ✔

49 18 13
                                    

"ANO BA TALAGA ang sasabihin mo? Ganu'n na ba kaimportante at dinala mo pa ako dito?" Dinala kasi siya ni Davien sa isang napakagandang lugar. Kitang-kita nila ang kabuuan ng siyudad.

Nasa ilalim sila ng malaking puno na may mga lights at may bench din. Doon sila ngayon nakaupo.

Lumapit ng upo si Davien at hinawakan ang kamay niya. Sumandal din siya sa kanyang balikat habang pinipisil pisil ang kamay na hawak niya.

"Baby," mahinang sambit ni Davien.

"Hmm?" she hummed. Ang sarap sa pakiramdam na nandito sila ngayon.

Na silang dalawa lang.

Walang istorbo.

Makakapag-usap sila ng maayos.

"Pwede bang...." Hinintay niya ang sunod pang sasabihin ni Davien pero parang umatras na ang dila niya.

"Pwede bang ano? Ituloy mo."

He cleared his throat. "Let's date for a month." Parang nahugot ang hininga niya ng marinig ang sinabi sa kanya ng binata.

"W-What did you say?"

Inalis ni Davien ang pagkakasandal ng ulo niya sa balikat ng binata at hawak ang kamay na tinitigan siya. Her heart is beating so damn fast as Davien look at her eyes.

"Let's date for a month. I want to know you better, baby. At gusto ko rin kasing malaman kung ano nga ba itong nararamdaman ko tuwing kasama kita."

Did she hear him clearly? O niloloko lang siya ng tainga niya?

Hindi siya makagalaw o makapagsalita man lang. Dahil iyon sa gulat at tuwang nararamdaman niya kaya wala siyang masabi.

"Baby? Ahmm.. Okay ka lang ba?" kamot-batok na tanong ni Davien sa kanya. Napakurap-kurap siya at nag-iwas ng tingin. Hindi na niya kaya pa ang bilis na pagtibok ng puso niya.

"I-I'm okay. N-Nabigla lang ako. Ahmm.. A-ano nga ulit 'y-yung sinabi mo?" Wala siyang ibang gusto kundi marinig muli ang sinabi ng binata.

"Ang sabi ko, let's date for a month. Malay mo, sa isang buwan ay ma-in love tayo sa isa't isa. Ohh, let me correct, baka sakaling ma-inlove ka na sa akin." He winked.

"Sinasabi ko lang 'to para sa kaligtasan ng mahal mo, Princess. But if you really love him, if you want to risk yourself and your relationship then give it a chance. Kung gusto mong ma-challenge, why not? As long as you love each other."

"Maybe you should avoid him, Princess. Baka mas lalo tayong mapahamak dahil sa kanya."

Sunod-sunod na pumasok sa isip niya ang sinabi sa kanya ng kuya niya 5 days ago. Ano bang pipiliin niya? Nagtatalo ang puso at isip niya dahil naguguluhan na siya. Ano bang mas nakakabuti?

'Kuya Cráezs is right. I should avoid him,' sabi niya sa kanyang isip. 'But if I really want to be with him, then I'll risk myself,' sabi naman ng isang bahagi ng isip niya.

"Baby?" pagpukaw ni Davien sa atensyon niya.

"P-Pasensya na... M-May naalala lang ako." Tumikhim siya at tumingin sa mga mata ng binata. "Okay..."

Accidentally In Love With A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon