Chapter 3 ✔

91 26 7
                                    

Naghahanda na si Agent 701 at ang kanyang team sa pagpunta sa office ng Mayor. Napag-alaman nilang may koneksyon siya sa Monstrous Snake Organization. Ang organisasyon ng mga sindikato. Kailangan lang nilang makausap ito at kunan ng impormasyon.

Pero hindi sila pwedeng magpakilala na sila ay agents dahil tiyak, mabubulilyaso lang ang lakad nila. Si Agent 765 at Agent 504 ay nagbihis sibilyan at sila ang nakatoka na magbantay sa labas ng building. Sina 799 at 655 ay pupuwesto sa kabilang building na katapat lang ng building ng Mayor. Si Agent 591 naman ay sa kotse lang at siya ang bahala sa connection nila at siya na rin ang magma-manipula sa tracks nila.  At si Agent 803 at Agent 701 naman ang magpapanggap na businessmen at sila ang papasok sa loob ng building para sila ang kumausap sa Mayor.

Nang masigurado nilang maayos na ang lahat ay pumasok na sa kani-kanyang kotse at sunod-sunod na nagtungo sa kanilang pupuntahan. Mayroon silang earpiece kaya naririnig nila ang sinasabi ng isa't isa.

Ilang minuto ang tinagal bago sila nakarating sa may malapit sa building.

"Maghiwa-hiwalay tayo." Dinig niyang sabi ni Agent 803. Napag-aralan na niya ang boses at galaw ng kanyang team mates. "Agent 765 at 704, sa kanan kayo. Agent 799 at 655, sa kaliwa. Agent 591, alam mo na kung saan ka pupuwesto. And Agent 701..." Naging alerto siya ng marinig ang pagtawag sa kanya ni Agent 803, ang kanilang team leader. "Follow me." Tumango siya na parang nakita ito ng kanilang leader.

Nagkaniya-kaniya na sila ng direksyon. Pumuwesto sa kani-kaniyang pwesto. At hangang-hanga siya sa mga kasamahan niya dahil normal lang ang mga ito at parang walang mission na gagawin.

Nang makarating siya sa parking lot ay sabay silang lumabas ni Agent 803 sa kanilang kotse.

"Stand by." Nakakonekta na silang lahat. Si Agent 591 ang magsasabi sa kanila kung may masamang mangyayari. "All clear," sabi ni Agent 591. Naglakad na sila papasok sa building at patungo sa elevator. Nasa pinakamataas na floor ang office ng Mayor na medyo matagal ang pagpunta nila doon.

"Just relax. Naka-stand by lang ang mga kasama natin," paalala sa kanya ni Mr. Leader.

Tumango siya at huminga ng malalim at gaya ng sabi ni Agent 803 ay nagrelax lang siya.

A few minutes later,  the elevator opened and two men outside the elevator lead their way to Mayor's office. Pero bago pa nila buksan ang pinto sa office ay kinapkapan muna sila mula ulo hanggang paa. Napaghandaan na nila ito at alam na nilang ganito ang mangyayari kaya hindi na sila nagdala ng kahit anong armas.

Ino-obserbahan nila ang bawat galaw at kilos ng mga tauhan. At nang matapos silang kapkapan ay pinapasok sila ng mga ito. Maging sa loob ay may dalawang bantay.

Pinalibot niya ang kanyang tingin hanggang sa mahagip niya ang nasa mid-50's na lalaking nakaupo sa swivel chair. Nang makita sila ng Mayor ay tumayo ito at sinalubong sila.

"Oh! Emman Santiago!" Nagtaka siya kung bakit Emman Santiago ang tawag ni Mayor kay Agent 803. Pero naalala niyang gawa-gawa lang niya ang pangalang iyon.

"Mayor Montefalco! It's nice to see you again!" Magkakilala ang mga ito? "This is my business partner, Cedric Williams," pagpapakilala ni Agent 803 sa kanya.

"Nice to meet you Mayor." Inilahad niya ang mga palad sa harap ni Mayor para makipagkamay. At tinanggap naman niya iyon.

"Nice to meet you too, Mr. Williams." Binitawan na nila ang kamay ng isa't isa at iginiya sila ng Mayor na maupo sa sofa.

Accidentally In Love With A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon