ILANG ARAW na rin ang nakalipas mula nang mahuli nila si Lyra na siyang killer pala. At mula nu'ng mangyari ang scene na 'yun ay hindi na siya kailanman bumalik pa sa HQ. Every day, every hour, and every minute, he's drinking alcohol. He's a sobber. Walang araw na hindi siya umiinom.
The 3rd day, binalitaan siyang gising na si Lyra. But he ignored that. Ayaw pa niyang marinig ang tungkol sa kanya dahil sariwa pa ang sakit na pinaramdam ng dalaga. Sariwa pa ang sugat na iniwan ng dalaga sa puso niya.
'I expect that she'll hurt me like this. I don't know what to do. I don't know what to believe.'
"Son? Kain na, ilang araw ka na ring kulang sa kain at tulog. Please son, don't make us worry."
Nawawala na siya sa kanyang sarili. Parang bumalik lahat ng alaala na meron sila ni Lyra.
'She's not Lyra. She is Dañale for f*ck's sake!'
"Son, please itigil mo na ang pag-inom."
'Hindi niyo kasi ako naiintindihan, Mom. Ang sakit! Sobrang sakit ng dinulot ng babaeng minahal ko ng todo!'
Magsasalin pa sana siya sa baso pero mabilis na inagaw ng mommy niya ang baso kaya tiningnan niya ito ng masama at saka uminom nalang siya sa bote.
"Son! Makinig ka naman kahit ngayon lang." Halata ang pag-aalala sa boses ng mommy niya.
"Mom, I want to be alone," mahinang sambit niya.
Nasa mini-bar siya ngayon sa kwarto niya.
Naka-lock naman ang kwarto niya kaya hindi niya rin alam kung paano'ng nakapasok ang mommy niya.
"Can you see yourself right now?" Takang nilingon niya ang mommy Anne niya. "Son, you grew up too well and you are old enough so please act like one! Nag-aalala na kami sa kalagayan mo, Anak. Isang linggo ka ng kulang sa kain at tulog, hindi namin alam kung nakakaligo ka pa ba? Hindi namin alam kung may masakit ba sa'yo?"
'Meron, Mom. My heart! Ang sakit sakit ng puso ko at you can't do nothing to ease the pain.'
"Anak kahit konti lang, kumain ka naman at 'wag puro alak nalang. Kung may problema ka, just share to me, to your dad, or even Manang Layla. We will be your ears, Son. Kung may maitutulong man kami, then we will gladly help you just to ease the pain you're feeling right now."
'Hindi 'yun ganu'n kadali, Mom. Kahit ako ay hindi malaman kung ano ang gagawin. Hindi ko alam kung maiintindihan at paniniwalaan niyo kung sasabihin ko pa sa inyo. I know that you like her for me but I don't think you will still like her after niyong malaman ang tungkol sa pagkatao niya.'
Uminom ulit siya ng uminom hanggang sa agawin ng mommy niya ang bote kaya wala siyang ibang nagawa kung hindi ang bumuntong hininga.
Nahihilo na rin kasi siya kaya hindi na niya magawang makipagtalo pa.
"Mom, leave me alone. Gusto kong makapag-isip." 'Yun lang ang naging sagot niya sa haba ng sinabi ng mommy niya.
'Please, Mom. Ayokong pati kayo madamay sa galit na nararamdaman ko ngayon. I want to be alone!'
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love With A Killer
Ficción GeneralCOMPLETED ✓ If you were Dañale, what will you choose? Is it your heart or your mind? Will you choose your heart over your mind? Or the other way around? Her heart keeps saying that she must choose the man she loved but her mind keeps screaming out...