MARAMING TANONG ang tumatakbo ngayon sa isip ni Lyra. Noong araw na pinatay niya si Mayor Montefalco, nandoon si Davien. Tapos ngayon naman na nandito siya sa Germany dahil nandito ang mga miyembro ng MSO ay nandito na naman siya.
'Sino ka ba talaga Davien?' tanong niya sa kanyang isip habang nakatitig sa papalapit na binata na walang iba kundi si Davien.
"Baby?" patanong na tawag sa kanya ni Davien. May pagtataka sa mga mata nito. "Ikaw nga!" Biglang ngumiti sa kanya ang binata ng makalapit na sa kanya.
"Davien?" Siya nga talaga.
"Hey, baby."
"What are you doing here-----?" sabay na tanong nila sa isa't isa. Napakamot sa batok si Davien 'tsaka nagsalita.
"Ahmm.. I have some works to do here."
'At anong klaseng works yon?'
'Yun bang paghahanap at paghuli sa kuya at grandpa niya?
"How about you? What are you doing here?"
Hindi niya pwedeng sabihin ang talagang pakay niya. "M-May... I-I need to.. Ahmm." Wala siyang maisip na magandang dahilan. Hindi niya alam kung ano ang dapat na sabihin niya.
"What? Bakit ka nauutal?" natatawang tanong ng binata sa kanya. "Dahil ba sa akin? Did your heart flatter when you saw me?"
'Masyadong mahangin ang lalaking 'to. Pero mas maganda na yon.'
Pagak siyang tumawa. "Ang kapal ng mukha mo." Pasimple niyang tiningnan ang direksyon kanina ng tunay na pakay niya. Paliko na sila ngayon at kailangan na niyang umalis. "I need to go."
Hindi pa siya nakakahakbang ay hinawakan ni Davien ang palapulsuhan niya at hinila siya paharap sa kanya. "Where are you going?"
"May kailangan pa akong gawin." Tumingin ulit siya sa direksyon na 'yon at wala na ang mga taong hinahabol at minamanmanan niya.
"Anong gagawin mo?"
'Bakit ba ang kulit ng lalaking 'to?'
"May... Ano ba, Davien. May date pa ako, okay?" Kumunot ang noo ni Davien. Hindi rin niya maipaliwanag kung bakit 'yun ang lumabas sa bibig niya.
Mas humigpit ang hawak ni Davien sa palapulsuhan niya. "Who's that unlucky guy?" May pagbabanta sa boses niya.
'Nagalit ko ba siya?'
"Tell me." Sumeryoso ang mukha ni Davien.
"Ahmm... Boyfriend ko," taas kilay na sagot niya at saka inagaw ang kamay niya at agad na tumalikod.
"Don't leave---" Nilingon niya si Davien dahil sa pagtigil niya sa pagsasalita. At nakahawak ang binata sa kanyang tenga at parang may earpiece siyang suot. Nanliit ang mata niya nang malamang earpiece nga iyon. "Shit! Okay okay! Papunta na ako diyan," pagmumura pa nito. Aalis na sana ang binata ng makitang nakatingin siya sa kanya. "Hey baby. Umuwi ka na. 'Wag kang makipagkita sa kahit na sinong lalaki maliban sa akin kung hindi baka makapatay ako ng wala sa oras." Hindi pa nagsisink in sa utak niya ang sinabi ng binata ng biglang lumapit si Davien nanigas siya at bumilis ang pagtibok ng puso niya nang halikan siya nito. He kissed her in the lips!
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love With A Killer
General FictionCOMPLETED ✓ If you were Dañale, what will you choose? Is it your heart or your mind? Will you choose your heart over your mind? Or the other way around? Her heart keeps saying that she must choose the man she loved but her mind keeps screaming out...