Chapter 24 ✔

45 13 9
                                    

Nagising si Lyra dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Hindi pala naisara kagabi ang kurtina.

Naramdaman niya na may mainit at mabigat na nakadagan sa kanyang tiyan.

Napangiti siya ng lingunin niya kung kaninong braso iyon. Tumagilid siya paharap kay Davien at pinakatitigan ang maamong mukha ng binata. Mas lalo siyang guma-gwapo kapag natutulog.

Hinaplos niya ang pisngi ng binata at saka pinisil ang matangos niyang ilong.

'I'm so lucky to have this handsome guy in my life. Even if it's dangerous, I will risk myself. Dahil napamahal na ako sa kanya. Alam kong mahirap tanggapin ang sitwasyon ko ngayon pero ngayon lang ako nagmahal. Ngayon ko lang maranasan ang ma-in-love.'

"Baka matunaw na ako sa kakatitig mo, baby." Napangiti siya at tinago ang gulat. Gising pala ang binata pero bakit kanina pa siya nakapikit? Niloloko ba siya nito? O baka nananaginip?

'Shunga! Hindi siya nananaginip!'

Dahan-dahang nagmulat si Davien at nagtama ang mga mata nila. "Kanina ka pa gising?" tanong niya sa binata.

Ngumiti ang binata at saka ninakawan siya ng halik. "Yes, baby. Kanina pa ako gising."

Hinila pa siya palapit ni Davien at saka niyakap.

"Bakit hindi ka pa bumabangon? Kanina ka pa pala gising eh."

"Ayokong umalis sa tabi mo. Mas gusto kong gumising ka ng nasa tabi mo ako."

'Ang sweet naman ng BOYFRIEND ko.'

Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan ni Davien lalo na't wala silang suot ni isang damit dahil sa nangyari sa kanila last night. They did it many times.

"Maliligo na ako," 'yun ang nasabi niya. Nanlalagkit na kasi siya kaya gustong-gusto na niyang maligo.

"Let's take a bath together."

"No! No! No! That's a bad idea," pailing-iling na sabi niya.

Natatawa si Davien na ikinakunot ng noo niya.

"Ba't ka natatawa?" kunot noong tanong niya.

"Nothing, baby." Pilyong ngiti niya.

"Mauna na akong maligo, then ikaw na ang sunod." Naupo siya at natatakpan pa rin ng kumot ang kanyang dibdib pababa sa paa niya.

Ang ginawa niya ay hinila ang kumot at pinalibot sa katawan niya at naglakad papunta sa cr. Naiwan sa kama si Davien na walang saplot.

"Baby, naman. Bakit mo pa itatago yan eh nakita ko na. I even licked and tasted it." Tumalim ang tingin niya kay Davien at nag-init ang pisngi niya. Loko ang lalaking 'yun ah.

"Che! Bahala ka diyan." Naglakad na siya para buksan ang pinto at bago pa niya isara ang pinto ay sumilip siya at may sinabi kay Davien. "Don't try to come in here Davien. I will lock the door." Mahinang natawa si Davien at siya naman ay sinara ang pinto 'tsaka ni-lock. Nang nasa loob na siya ay tinanggal na niya ang kumot.

It took her a few minutes to take a bath. Lumabas siya sa banyo ng matapos na siya sa pagligo at pagbrush. At syempre, hindi siya lumabas ng naka-hubad baro. Nagtapis siya ng tuwalya at naghanap ng damit ni Davien.

Accidentally In Love With A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon