"Congratulations!"
"I'm so happy for the both of you!"
"Congrats, bro!" Kani-kanyang bati ang natanggap nila sa mga kasama nila.
Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam pa rin niya ang saya at hindi na 'yon mawawala pa. Masaya siya dahil narito na rin ang mga kakilala niya sa Maligaya Island. Ang tumugtog pala kanina ay ang banda ng BMB. Sina Randolph iyon.
"Thank you!"
"Thank you!" Sa JCS sila ngayon pero kumpleto ang servings nila. Hindi coffee pero maayos talaga ang pagkakaplano nila.
"Congrats, mga apo." Niyakap niya ang kanyang grandpa.
"Thank you, grandpa," naiiyak na sabi niya.
"Magiging maayos na ang buhay mo apo. Magkakapamilya ka na."
"Opo, grandpa. Salamat po."
Kumalas siya sa pagkakayakap. "Nathan, apo. 'Wag na 'wag mong pababayaan ang apo ko ha, ipagkakatiwala namin siya sa iyo at sana ay ingatan mo siya."
Ngumiti si Davien at saka siya nito niyakap. "Makakaasa po kayo, Lo. Hindi ko po pababayaan ang Prinsesa ninyo. I will love her until death." Napangiti siya sa sinagot ng fiancé niya.
"Salamat, apo."
"Salamat din po sa blessing, Lo." Humarap si Davien sa kuya Cráezs niya. "Thank you, bro."
Tinapik ni Cráezs ang balikat ni Davien.
"Congrats, bro."
Nagsimula na sila sa salo-salo nila.
'Mama, papa, if you were only here, sana mas magiging masaya pa ako. Kumpleto na sana tayo. Kayo pa sana ang maghahatid sa akin papunta sa altar. Kaso wala eh, wala na kayo at wala na rin akong ibang magawa kundi ang tanggapin nalang ang katotohanang hindi ko na kayo makikita. Pero isa lang ang hihilingin ko, sana ay 'wag niyo kaming pababayaan. Sana, lagi niyo kaming bantayan at gabayan lalo na kapag kasal na kami ng magiging manugang ninyo.'
Sinabi niya iyon sa kanyang isip.
Magkatabi sila ni Davien at abala sa pag-aasikaso sa kanya. Sinusubuan at maya't maya ay sasabihan ng 'I love you' pero sinasagot niya rin naman 'yun.
"I love you, baby."
'Oh 'di ba? Sabi sa inyo eh. Hindi nauubusan sa I love you ang lalaking 'to. Tibay!'
"I love you too, baby." Hinalikan siya nito sa pisngi at saka sinubuan siya.
"Paano mo nga pala napapunta rito sina nanay? Sinundo mo ba sila?" kapagkuwan ay tanong niya.
"Mmm... Actually, na-plano ko na lahat simula pa noong nasa isla pa tayo. Nu'ng nakaalala ka na, kinausap ko si Savie. Sinabi ko sa kanya ang plano kong mag-propose sa iyo at sinang-ayunan naman niya iyon. Pagkabalik na pagkabalik natin dito ay inayos ko na lahat at natapos naman lahat ng naayon sa plano. At kahapon, kaya maaga tayo umuwi kasi sinundo ko sila sa stasyon. Tinawagan ko si Savie na lumuwas para sa plano. So that's it."
'Ganu'n ba talaga? Wala akong kaalam alam na may plano ka na pala.'
"Thank you so much, baby. Hindi ko akalaing makakatagpo ko ang isang lalaking katulad mo."
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love With A Killer
Ficción GeneralCOMPLETED ✓ If you were Dañale, what will you choose? Is it your heart or your mind? Will you choose your heart over your mind? Or the other way around? Her heart keeps saying that she must choose the man she loved but her mind keeps screaming out...