Chapter 50 ✔️

34 9 5
                                    

"Who are you?" Pangatlong pagkakataon na niyang tinanong sa binatang yumakap sa kanya bigla. Hindi naman niya ito kilala. Ngayon lang niya nakita ang lalaki tapos bigla bigla nalang siyang yayakapin at tatawagin sa ibang pangalan.

Kitang kita ang gulat at kaguluhan sa mata ng binatang kaharap niya. Namumula na rin ito dahil sa pag-iyak.

"D-Don't you remember me?" halos pabulong na tanong ni binata. Dinig na dinig niya pa rin dahil tinigil na ang tugtog ng banda.

'Is he part of my lost memory? But that's impossible!'

"I-I'm sorry? Pero ngayon lang kita nakita," seryosong sabi niya. Akmang hahawakan ulit siya ng binata pero nilayo niya ang kamay niya.

"I-It's me, baby."

"baby."

"baby."

"baby."

Parang maraming nag-flashback sa kanya dahil sa pagtawag sa kanya ng binata ng 'baby'.

Marami siyang naaalala pero magulo, malabo. Hindi niya mawari kung ano ang nasasagi sa isipan niya.

"Hey, Sheena. Are you okay?" Napahawak siya sa gilid ng lamesa nang nakaramdam siya ng kirot sa ulo niya.

Masakit na masakit ang ulo niya dahil sa hindi malamang dahilan.

"L-Lyra, okay ka lang?" Sunod sunod na ang lumalapit sa kanyang kakilala niya pero hindi pa rin nawawala ang kirot ng ulo niya.

"Let's date for a month, baby."

Parang may nagsasalita sa isip niya.

"I like you so much, baby."

Boses ng lalaki ito at alam niyang may kinalaman ang binatang kaharap niya.

"Tama na!" Hirap na hirap na bulong niya at mahigpit na nakahawak sa bisig ng kung sino man.

"Princess!"

"Apo!"

"Lyra!"

"Dan!"

"Madame!" Halos sabay sabay ang mga boses sa isipan, ang mga sigaw ng mga taong hindi niya kilala.

"Tama na please," naiiyak na pakiusap niya. Hindi niya naririnig ang mga sinasabi ng nasa paligid niya dahil sa lakas ng sigaw ng nasa isip niya. "Tama na!" malakas na sigaw niya hanggang sa nanghina siya at unti unti nagiging lanta ang katawan at hanggang sa nawalan na siya ng malay.

*****

"LYRA, WAKE UP!" Pilit niyang ginigising si Lyra na ngayon ay nawalan na ng malay matapos sumigaw.

"D-Dalhin niyo na muna sa bahay nila!" sigaw ni Lolie na ngayon ay kabadong kabado.

"Dalhin natin siya sa hospital," sabi niya. Inayos niya si Lyra at saka binuhat. Maglalakad na sana siya ng may pumigil sa kamay niya.

"Walang hospital na malapit dito," sabad ng isang lalaki. Siya 'yung sinabi ni Lolie kanina na Randolph. Seryoso ang tinging ipinukol sa kanya ng binata.

"At sino ka para sabihan ako ng kung ano ang gagawin ko?" inis na tanong niya.

"Pare, iuwi mo nalang siya sa bahay nila."

"Dadalhin ko siya sa hospital." At naglakad na muli.

"Nathan!"

Hindi niya nilingon si Lolie. Naglakad lang siya hanggang sa makasalubong niya ang tumatakbong si Savie.

Accidentally In Love With A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon