Chapter 29 ✔

43 13 21
                                    

"BABY LYRA, gising na." Isang malamyos na boses ang narinig niyang gumigising sa kanya. "Baby Lyra, gising na diyan. Aalis pa tayo." Boses iyon ng kanyang Mama.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at bumungad sa kanya ang mukha ng kanyang Mama at Papa. Masaya siyang ngumiti sa mga magulang niya.

"Good morning, baby Lyra," sabay na sabi ng Mama at Papa niya.

"Good morning, too, Mama, Papa," sabi niya. Kinusot-kusot niya ang mga mata niya. At nang matapos na ay nagmulat siya ulit. Pero ang Mama at Papa niya ay nakatayo na sa bintana. Umupo siya sa higaan at nagtatakang tumingin sa mga nakangiting magulang niya na nasa bintana.

"Mama, Papa. Anong ginagawa niyo diyan?" Inalis niya ang kanyang kumot at naglakad papunta sa mga magulang niya. Pero nagsisimula na siyang kabahan at mamawis dahil hindi siya nakakalapit sa dalawa bagkus ay palayo sila ng palayo.

"Mama! Papa!" sigaw niya dahil kahit tumakbo siya ay hindi niya maabutan ang dalawa. "Mama! Saan kayo pupunta? Papa!"

"Magpakatatag ka, baby Lyra. Mahal na mahal namin kayo ng kuya mo." Nag-eecho ang boses ng kanyang ina.

"Lagi mong iingatan ang sarili mo ha? Ang kuya at ang grandpa mo, alagaan mo sila." Pati ang boses ng kanyang ama ay nag-eecho.

May pumatak na butil ng luha sa kanyang mga pisngi. Ano bang sinasabi ng kanyang mga magulang? Bakit ba sila nagpapaalam?

"Mama, Papa. 'Wag niyo akong iwan, please," pagmamakaawa niya hanggang sa unti-unting bumungad ang sikat ng araw at unti-unti ring nawawala ang anino ng dalawa dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kanila.

"Mama! Papa!" Humagulgol ako pagkabalikwas ko ng bangon. Masakit pa rin para sa kanya ang mga nangyari. Pero hindi na niya maibabalik pa ang buhay ng kanyang Mama at Papa. "I'm sorry..." paghingi niya ng tawad.

Accidentally In Love With A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon