Nakakapagod ang kaniyang nagdaang oras dahil sa pag-iisip. Kapag nakikita niya ang mahimbing na natutulog na si Lyra ay bumibigat ang pakiramdam niya pero meron din sa kanya na masaya. Masaya dahil makakasama na ulit niya ang babaeng mahal na mahal niya. Pero mabigat ang pakiramdam niya dahil akala niya ay kasalanan niya ang lahat ng nangyari. Pati na rin ang pagkawala ng anak nila.
"M-Mama... M-Mama... P-Papa." Napaayos siya ng upo dahil nananaginip si Lyra. Tagaktak ang pawis at pabaling baling ang ulo at may luha sa mga mata niya. "P-Papa." Patuloy na binabanggit ang mama at papa niya.
"Lyra. Hey, gising. Nananaginip ka." He tried to wake her up. "Lyra."
"No... D-Don't leave me... M-Mama," bulong niya kasabay ng pagtulo ulit ng luha niya.
"Hey baby, gising." Niyugyog niya ang balikat ni Lyra pero hindi pa rin gumigising.
"Please! Don't leave me." Naaawa na siya sa kalagayan ni Lyra. Wala man lang siyang ibang magawa. "Mama, papa!" Agad itong napabalikwas ng bangon at napasigaw. Habol habol ang hiningang umiyak.
Agad niyang niyakap si Lyra at napahagulgol ang dalaga sa bisig niya.
"Shhh! Tahan na. I'm here, nandito lang ako," pagpapakalma niya pero patuloy pa rin sa pag-iyak si Lyra.
"W-Who am I?" Nanigas siya sa tanong ni Lyra.
Kumalas sa pagkakayakap sa kanya at saka tumitig sa mata nito.
"Do you know me?"
Hindi siya nakaimik sa tanong ng dalaga.
"Please! Gusto ko ng makaalala. Hirap na hirap na ako," pagmamakaawa ni Lyra pero wala siyang ibang nagawa kundi makaramdam lang ng awa.
"Baby..."
"That... that endearment. 'Baby', lagi kong napapanaginipan 'yan."
Nanlaki ang mata niya. "I'm sorry."
"I want to remember everything about myself. About my past."
'Mas maganda na ang buhay na meron ka ngayon dahil masalimuot ang nakaraan mo mahal ko.'
Nangilid ang luha niya dahil ramdam na ramdam niya ang lungkot sa boses at mata ni Lyra.
"M-Magpahinga ka muna. 'Wag mong pilitin ang sarili mong alalahanin ang mga nawalang alaala mo."
"Pero gusto kong makaalala. Gusto kong maalala kung ano ang meron ako noon."
"Maaalala mo rin. Tutulungan kita. Pero sa ngayon, mag-relax ka muna at 'wag mong pilitin ang sarili mong alalahanin ang nakaraan mo," pagpupumilit niya rin.
Natahimik si Lyra at muli na namang umiyak. Niyakap niyang muli si Lyra at parang dinudurog ang puso niya kapag nakikita niyang nasasaktan ang taong mahal niya.
"A-Ang mama at papa ko." Kinilabutan siya bigla. "Napanaginipan ko sila... at..."
"Shhh! 'W-Wag mo na munang isipin 'yun. Tumahan ka muna," pagpapatigil niya kay Lyra at hinagod hagod ang buhok habang nakayakap pa rin sa kanya.
'At sana kahit sa ganitong paraan, maibalik ko ang mga alaala mo. Kahit maraming nagbago sa sarili mo, hindi pa rin nababago ang pagmamahal ko sa'yo.'
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love With A Killer
General FictionCOMPLETED ✓ If you were Dañale, what will you choose? Is it your heart or your mind? Will you choose your heart over your mind? Or the other way around? Her heart keeps saying that she must choose the man she loved but her mind keeps screaming out...