Chapter 46 ✔️

31 9 14
                                    

HAY! SA DAMI ba naman ng customers nila araw-araw eh parang mas dumoble pa nitong mga nakaraang araw.

But it's worth it kasi mas nakikilala na siya at mas lumalaki ang kita nila. Noong bago siya napunta sa islang ito ay maraming kwento ang nanay Sasha nila, na pinamana raw ito ng tatay ni tatay Crisostomo nila at sila na ang nagmanage.

'At dahil na rin sa tulong nu'ng--- sino nga ba 'yun? Oh right! It's Adam! Ang cute ng name. Adam? Para tuloy gusto ko siyang makita. Sa name palang ang cute na, what more pa kaya sa mukha niya, 'di ba?'

"Sheena?"

"Ayy anak ng timawa!" sigaw niya dahil sa pagkagulat.

"What did you say?" kunot noong tanong ng manager niya na si Lolie.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa buhangin na malapit sa dagat. Nasa tapat lang sila ng Beat Me Booth na siyang pinagtra-trabahuhan niya. Siya ang lead vocalist ng band sa BMB. Minsan naman, may pumapalit sa kaniya lalo na kapag may importante silang pinupuntahan ng kuya Savie niya o kaya ng nanay Sasha niya.

"A-Ano kasi... Bakit ka ba kasi nanggugulat?"

"Aba! Kanina pa kaya kita tinatawag pero hindi ko alam kung wala ka bang tainga o nagbibingi bingihan ka lang."

Ganito na talaga sila kahit na ilang buwan palang silang magkakilala. Halos magka-edad lang sila kaya ganito sila kung mag-usap. Walang ilangan, walang pataasan at walang plastikan.

"Eh bakit ba kasi?" parang naiinis na tanong niya.

"Bukas, maraming darating na turista. Kaya habang maaga pa ay umuwi ka na para maipahinga mo na yang lalamunan mo. Panigurado mapapasabak ka na naman bukas lalo na't marami sila."

"Dito na muna ako. Magpapahangin---"

"Hep!" pagpuputol ni Lolie sa sasabihin niya. "Always remember that---"

"Na hindi ako iinom ng malamig na tubig. Hindi ako magpapagabi sa labas. Hindi ako magtatampisaw sa dagat kapag gabi. Hindi ako magbababad sa tubig. Hindi ako magpupuyat. At dapat ay ipahinga ko ang lalamunan ko." Napangiti at napatango naman si Lolie dahil sa pagtutuloy niya sa dapat na sasabihin nito. "See? Sa araw araw ba naman na ipaalala mo sa 'kin 'yan eh sinong mag-aakalang kabisado ko na, 'di ba?" natatawang tanong niya.

"Loka loka! Pinapaalalahanan lang kita dahil ikaw ang lucky charm ng BMB. Magaling ka---"

"Masyadong magaling," pagtatama niya kaya napailing si Lolie.

"Oo na.. Masyado ka kasing magaling kaya marami tayong customers palagi," pagdidiin niya pa.

"Oh siya, lumalaki na ang tainga at ulo ko dahil sa mga papuri mo sa akin kaya umalis ka na. Kailangan kong magpahinga at inaabangan ko rin ang paglubog ng araw." Sabay turo sa malapit ng lumubog na araw.

"Oh sige. Basta Sheena ha. Umuwi ka na mamaya. Baka kagalitan ako ng hambog mong kuya na akala mo kung sinong gwapo."

Natatawa talaga siya kapag sinasabi niyang hambog ang kuya niya eh. Wala man silang sinasabi pero napapansin niyang gusto nila ang isa't isa. Nasa indenial stage nga lang sila.

"Susss! Hambog daw, pero crush mo naman siya." Sabay sundot sa tagiliran ni Lolie.

"Ano ba?! Tigilan mo na nga ang kakasundot mo!"

Accidentally In Love With A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon