Pagkatapos nilang ubusin ang in-order nila ay nagpasya silang maglibot-libot.
"Gamitin natin ang kotse ko."
"Mag convoy nalang kaya tayo."
Kanina pa sila nagtatalo kung kaninong kotse ang gagamitin nila.
"No. Let's use my car," sabi ni Davien at pinagsiklop ang kanilang kamay at sabay na naglakad papunta sa kotse ni Davien.
"How about my car?" nag-aalalang tanong niya.
"Walang gagalaw sa kotse mo at balikan nalang natin 'yan mamaya, okay baby?" Tumango nalang siya dahil wala na siyang ibang magawa lalo na't nasa loob na siya ng sasakyan ni Davien.
Wala talaga siyang panama sa lalaking 'to eh. Kung ano ang gusto ay siyang nasusunod. Tsk!
"Where do you want to go?" tanong sa kanya ni Davien habang nasa daan ang tingin. He's driving nga kasi, remember?
"Ahhm... Sa mall muna tayo maglibot-libot then punta tayo sa park or sa enchanted kingdom. Then balik tayo sa pinuntahan natin kagabi? Ang ganda kasi do'n and relaxing din," excited na sabi niya.
Hindi umimik si Davien kundi tumingin sa kanya. Buong katawan niya ay tiningnan niya at saka umiling.
"No, walang pupunta sa mall, sa park or sa enchanted kingdom kapag ganyan ang suot mo." Napanganga siya sa sinabi ni Davien.
'Anong silbi ng pagtanong niya kung hindi naman pala niya susundin ang gusto ko?'
"Really, Davien? Bakit nagtanong ka pa kung ayaw mo rin naman palang pumunta?" Nagkibit-balikat siya at tinuon ang kanyang tingin sa labas.
"Baby... Baby naman.." Kahit anong pagtawag sa kanya ni Davien ay hindi siya lumingon. "Ang iksi kasi ng suot mo at ayoko namang may ibang lalaking tumitig sayo kasi nagseselos ako."
Gusto niyang magalit kay Davien pero sa simpleng salitang lumalabas sa bibig niya ay napapalambot nito ang puso niya.
'Ang lakas na talaga ng tama ko sa kanya.'
"Baby, galit ka ba?" Nagkunwari siyang parang nagtatampo dahil gustong-gusto niya ang pakiramdam na sinusuyo siya. "Talk to me, please."
'Wag mo akong suyuin. Lalo akong nahuhulog sa'yo niyan eh.' Nababaliw na ang isip niya.
Tinigil ni Davien ang sasakyan sa gilid ng kalsada at naramdaman niya ang kamay ng binata na humawak sa kamay niya.
"Sorry na, please. I don't share what's mine so I'm sorry for being possessive."
"Nakakainis ka kasi eh. Magtatanong ka tapos hindi naman pala tayo pupunta."
'Masakit kaya ang mapa-asa.'
"Sorry na nga, baby. Don't worry, everyday tayong magde-date kaya lahat ng gusto mong puntahan, pupunatahan natin. Lahat ng gusto mong gawin, gagawin natin. Let's do it together." Pinagsiklop niya ang kanilang kamay na magkahawak at saka pinisil-pisil ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love With A Killer
BeletrieCOMPLETED ✓ If you were Dañale, what will you choose? Is it your heart or your mind? Will you choose your heart over your mind? Or the other way around? Her heart keeps saying that she must choose the man she loved but her mind keeps screaming out...