"You don't know how happy I am, baby." Pagkatapos ng nakakapanabik na eksena nila sa BMB ay inimbitahan nila ang lahat ng kakilala niya at nagsalo-salo sila sa Dampitan. Solo nila ang lugar na iyon at marami silang handang pinagsasaluhan. "Nu'ng una, inisip ko na talagang pumunta rito para palayain ang sarili ko sa nakaraan but then, I saw you unexpectedly. Tadhana na yata talaga ang tumutulong sa love story natin."
Nakaupo si Davien at siya naman ay naupo sa pagitan ng hita nito at sumandal sa katawan ng binata. Nakapatong ang baba ni Davien sa balikat niya at ramdam na ramdam niya ang pagdampi ng pisngi nila sa isa't isa. Nakayakap rin ang dalawang braso ni Davien sa katawan niya.
"Hmmmm... You don't even know how proud and how lucky I am," sagot naman niya. "And I'm so thankful na kahit isang taon na ang nakaraan ay hindi mo ako kinalimutan. Na hindi ka naghanap ng iba."
'I love you, baby. And I mean it.'
"Bakit naman kita kalilimutan? Ikaw at ikaw pa rin ang laman ng puso ko kahit hindi man kita makita ng ilang araw, buwan o kahit na taon pa man 'yan."
"Siguraduhin mo lang 'yan."
"Oo naman, baby. Mahal na mahal kita kaya hindi kita kayang kalimutan. At kung magmamahal man ako ng iba, sisiguraduhin kong replika mo ang taong 'yon."
Parang hinaplos ang puso niya sa sinabing iyon ni Davien.
'Ayaw niyang magmahal ng iba at kapag nagmahal siya ay katulad ko rin ang mamahalin niya? Omo... How sweet of you, baby.'
Hinaplos niya ang pisngi ng binata habang nakasandal pa rin sa katawan niya.
"I love you, baby," sabi niya sa binata.
"I love you more, baby." At naramdaman niya ang labi ni Davien na humalik sa pisngi niya at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.
Pinanood lang nila ang nagkakasiyahan na mga kakilala niya. Ang pamilyang kumupkop sa kanya, ang ka-trabaho niya, ka-banda, at mga kaibigan niya.
"Nagpapasalamat ako dahil sa kanila ako napunta," panimula niya. "Iniisip ko, kung hindi kaya sila ang nakakita sa akin ay ano na kaya ang kalalagyan ng buhay ko ngayon?" Naglakbay ang kamay niya papunta sa kwintas niya. "Sino sino kaya ang kasama ko ngayon kapag nagkataon? Napakabait nila, 'noh? Mabuti pa rito kasi walang alitan, walang away, walang patayan. Napaka-peaceful ng islang 'to. Tinatanggap at wine-welcome ka ng buong puso sa islang 'to. Hindi rin nila hinuhusgahan ang nakaraan at pagkatao mo."
'Gano'n sila kabait. Malaman man nila o hindi ang nakaraan at pagkatao ko ay hindi nagbago ang pakikitungo nila sa akin.'
"Mas malaki ang pasasalamat ko sa kanila, baby. Kasi hindi ka nila pinabayaan katulad ng pagpapabaya ko sa'yo noon."
"Hindi mo ako pinabayaan. Hindi mo lang lubos maisip noon na isa akong kriminal kaya mo nagawa 'yun."
"Ganu'n na rin 'yun, baby. Nagawa rin kitang saktan noon."
"Baby please, let's not talk about the past. Let's live it in the past."
'Ayoko ng pag-usapan ang nakaraan dahil isa lang iyong bangungot sa buhay ko.'
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love With A Killer
Ficção GeralCOMPLETED ✓ If you were Dañale, what will you choose? Is it your heart or your mind? Will you choose your heart over your mind? Or the other way around? Her heart keeps saying that she must choose the man she loved but her mind keeps screaming out...