Chapter 55 ✔️

30 8 5
                                    

Sa loob ng tatlong araw na pananatili nila sa isla ay napag-usapan nilang ngayong araw na ang pag-uwi nila sa Manila.

'I'm going home. I'm going to where I really belong.'

Sa tatlong araw din na pananatili nila ay wala silang ibang ginawa kundi ang maglibang. Tumatambay sila sa BMB at doon ay nagkakantahan sila. Nagsasalo-salo pa rin naman sila ng mga kaibigan niya.

"Ate Sheena, iiwan mo na ba talaga ako?" Kanina pa niya pinapatahan si Shania dahil kanina pa iyak ng iyak. Nasa tabing dagat na sila at naghihintay na ang bangka na sasakyan nila ni Davien paalis.

Inaamin niya namang ayaw niyang umalis sa islang 'to pero miss na rin niya ang kaniyang naiwang pamilya sa Manila.

"Shhh... Stop crying, bunso. Babalik pa naman si qte dito eh," pagpapatahan niya at hinahaplos ang buhok nito habang yakap yakap niya ang bata. Maging ang nanay at tatay niya ay umiiyak na rin. Lalo pa si Lolie na humagulgol na. Nakakatuwang isipin na may mga tao pa ring ayaw na mawala siya sa kabila ng mga nalaman nila tungkol sa kanya.

"Pero ate, mami-miss ka namin. W-Wala ng m-magpapatahan sa akin kapag umiyak ako. Wala ng kakanta sa akin kapag matutulog ako. Wala ng mag-aalaga sa akin kapag m-may sakit ako." Hindi na niya napigilan ang kanina pang nagbabadyang mga luha dahil sa sinabi ng bata. Masakit para sa kanya na marinig ang mga ito. Mahal na mahal niya ang mga taong kumupkop sa kanya at hindi ganu'n kadaling iwan sila ng basta basta.

"'Wag kang magsalita ng ganyan, okay?" Pinahid niya ang luha ng bata. "May magpapatahan pa naman sa'yo, may kakanta, at may mag-aalaga sa'yo kahit na wala ako rito. Nanjan naman sila Nanay, si Tatay, si kuya Savie. At marami pa namang mag-aalaga sa'yo. Si ate Lolie, pwede pang siya ang mag-alaga sa'yo," pangungumbinsi niya. "'Wag ka ng umiyak, okay? Tatawag pa rin naman ako sa inyo. Makakausap mo pa rin ako. At magkikita pa naman tayo, kaya 'wag ka ng umiyak. Tingnan mo, pati si ate Sheena umiiyak na rin."

Tumango tango si Shania. Naaawa siya sa bata dahil alam niyang tulad niya, ay ayaw ring mawala sa isla. Pero kailangan eh. May araw pa naman para magkita ulit sila.

"'Wag ka ng umiyak, okay?" Tumango tango ulit siya.

"Opo. Mangako ka po na babalik ka, ate."

"Promise, bunso. Babalik ang ate Sheena mo rito. Pangako 'yan," nakangiting sabi niya na ikinangiti ni Shania.

Pagkatapos nun ay nagpaalam na siya isa isa sa kanila.

"'Nay." Mabilis siyang yumakap sa nanay niya habang humahagulgol. Naramdaman rin niya ang pagyakap ng tatay Crisostomo nila. "Maraming salamat po. T-Thank you so much. Mami-miss ko kayong lahat," sabi niya habang yakap yakap pa rin ang dalawa. Hagulgol rin sila ng hagulgol.

"Mag-iingat ka ro'n, anak. Mami-miss ka rin namin."

"Opo. Mag-iingat din kayo palagi."

Kumalas siya sa pagkakayakap at hinalikan sa pisngi ang nanay at tatay niya.

"Masaya po ako dahil kahit papaano ay naiparamdam niyo sa akin ang pagiging isang tunay na ina at ama. Matagal ko ng inaasam na maramdaman ulit ng pagmamahal ng isang mama at papa kaya nagpapasalamat po ako sa inyo. You became my second mother and father. I'm so grateful to have you in my life." Muli niyang niyakap ang nanay at tatay niya.

Pagkatapos ay bumaling siya sa kuya Savie niya na pinapatahan si Lolie.

"Kuya, Lolie." Hindi niya tinuloy ang sasabihin niya dahil agad na siyang yumakap sa kanila. Nauna niyang niyakap ang kuya Savie niya ng mahigpit bago kay Lolie. "Mami-miss ko kayo."

Accidentally In Love With A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon