Chapter 25 ✔

41 14 12
                                    

After their breakfast, they moved into the living room and she was embarrassed dahil sa mga tanong ng kanyang Tita Anne.

"So, can you explain what I saw earlier?"

"Mom!"

"What? I'm just asking, okay? You're my only child so I'm excited to have a grandson or grand-daughter," sabi ng ginang.

"T-Tita, h-hindi naman po kami."

"We're still looking forward to that, mom. We're planning to have a child but not for now, okay?"

Napakunot ang noo niya habang nakatingin kay Davien.

'Is he crazy! How could he say that in front of them? And we're not planning to....'

"Really? So, do you really have a plan to start a family?" tanong ng daddy ni Davien.

'Ano ba 'to? Hindi ito ang totoo!'

"Yes."

"No!"

Sabay na sabi nila. Nagkatinginan pa sila dahil sa sabay nilang pagsagot pero magkaiba naman ang sagot nila.

"Oh, she means yes." Pinandiliitan niya ng tingin si Davien dahil kung ano-ano na naman ang pinagsasabi. "Nahihiya lang siyang sabihin dahil ngayon lang naman kayo nagkakilala. 'Di ba, baby?" Lingon sa kanya ni Davien. Kinunutan niya ng noo at pinagmumura sa isip niya pero para magkaroon ng galang sa mag-asawa ay kailangan niyang tratuhin ang binata na parang asawa na rin.

"Ahmm.. Yeah! Pasensya na po, Tita, Tito. Hindi lang kasi ako sanay na pinag-uusapan ang bagay na 'yan." Sabay lapit kay Davien at kinurot ang baywang nito. Napaagik naman ang binata pero sinamaan niya ng tingin kaya nagkunwaring parang walang nangyari.

"Oh, ganu'n ba? Then from now on, 'wag ka ng mahiya sa amin, okay?"

'The hell! Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.'

"Okay po , Tita."

Pagkasabi niya nu'n ay bigla namang may nagdoor bell. Ang isang katulong ang lumabas para tingnan kung sino 'yun at ilang saglit lang ay bumalik sa loob ang katulong na may kasamang isang lalaki na kaedad lang siguro ng Tita Anne niya.

"Kumpare, kumare!" sabi ng lalaking kapapasok lang.

"Kumpare!" sabay na sabi ng mommy at daddy ni Davien at sabay pa silang tumayo para salubungin ang lalaki.

"How are you, Nix," bati ni Tita Anne sa lalaki.

"Heto, busy pero gwapo pa rin naman."

"Woah, hanggang ngayon maangas pa rin ang dating mo."

"Syempre walang kupas 'to, Pare."

Nagpatuloy lang sa pagkwentuhan ang tatlo habang papalapit sa sala.

"Davien, who is that man?" Sabay nguso sa lalaki.

"Ahh that man is my godfather, baby. Siya 'yung ninong ko na mahangin."

"Tulad mo." May pinagmanahan talaga ang boyfriend niya eh.

Accidentally In Love With A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon