10. He's Hurting
****
"BRY!" yan agad ang bumugad sakin pagkapasok ko pa lang ng room namin kaya't agad akong napatingin ng masama dun sa kung sino man ang tumawag sakin which is si Sabrina pala na ngayon ay mukhang ewan na nakangiti.
"Ano?" galit na tugon ko sakanya. Umagang umaga naman kasi siya kung mag-ingay. Alam naman niyang ayoko sa mga ganun at nagtitiis lang ako sakanya.
"Well, malapit na ang Grand Prom." ngiting ngiting pagbabalita niya sakin na parang tuwang tuwa.
"So? As if i care?" then nagroll eyes ako sakanya tsaka ko tinungo yung upuan ko.
"Ano ka ba? Last year ikaw ang prom queen junior, right?" pagpapaalala niya sakin habang nakasunod sakin.
Nilingon ko siya. "So what? Coconut? Ano'ng connect nun ngayon?" then nagroll eyes nanaman ako.
"Kailangan ka ngayon ano ka ba? Baka magalit sayo si Ma'am Stell." pagpapaalala niya sakin. I don't get her. Eh kung ayaw ko ngang pumunta, may magagawa ba sila?
"Edi mage-excuse ako kay Ma'am Stell. Basta may maganda akong alibi, she'll let me." ngiting ngiting sabi ko naman sakanya. Tama! Ito ang pinakatama kong gagawin.
"No! Yan ang pinakamali mong gagawin. Wag mo'ng itutuloy ang iyong masamang binabalak!" pagpipigil niya sa dapat ay gagawin ko.
"At bakit?" nakacross arms na pagtatanong ko sakanya.
"Cause I'm pretty." sagot niya sakin at ngumiti with matching peace sign pa na dahilan para lalong mag init ang ulo ko at mapa-roll eyes nalang.
She's in drugs!
"Dafaq?" di ko nalang siya pinansin at tinalikuran ko na siya dahil wala naman siyang sense kausap.
"Wait Bry..." pigil niya sakin at hinila ako papatayo at iniharap sakanya. Bakit ba napapaligiran ako ng mga nakakairita na tao?
"Bakit ba?" iritang tanong ko sakanya. Napaka-kulit niya naman kasi e.
"Sumama ka na kasi please?" pagpipilit niya sakin at pinaglapat pa ang dalawa niyang palad na akala mo'y dinadasalan ako.
"Ayoko. Makakakita ako ng maraming couple. Ikamamatay ko." then pinandilatan ko siya ng mata at nag tounge out sakanya.
"Edi magpretend ka na wala kang nakikitang couples." sobrang lawak na ngiti ang ibinigay niya sakin na akala mo'y better idea yung sinasabi niya.
"Eh kung sinasakal kaya kita?" pananakot ko sakanya at tinulak ko siya sa noo niya gamit ang finger ko dahilan para mapabitaw ang hawak niya sa braso ko.
"Dali na kasi Bry." pagpupumilit pa rin niya sakin at hinawakan naman ako this time sa mga kamay ko.
"Pagiisipan ko. Next month pa naman yun, wag ka nga'ng excited." sabi ko sakanya at hinila ko na yung kamay ko sakanya.
"Thank you talaga Bry!" may patalon talon effect pa siyang nalalaman. At ako naman, naparoll eyes na lang na parang sinasabing 'whatever'. Hindi ko talaga alam kung paanong naging best friends kami.
TAKE NOTE: Since birth.
Pero duh? Wala ako'ng balak na umattend sa Grand Prom. Naalala ko nanaman tuloy yung JS prom last year, kami ang napili na Couple of the Night nang magaling ko'ng ex. Kaya ayan, Queen of the night ako at King of the night naman siya as Junior. Saya diba?
"Brychelle~"
"Ano nanaman ba?" irita kong hinarap yung Nerd na yun once na marinig ko ang nakakarindi niyang boses. Tinignan ko naman siya ng masama.
BINABASA MO ANG
Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETED
Teen Fiction"Ang maniwala sa forever, TANGA." Bitter Series #1