36. Sabrinas' Advice

722 20 0
                                    

36. Sabrinas' Advice

Brychelle's P.O.V.

Sabado ngayon. Mamaya pupunta ako sa National Book Store para bumili ng mga kakailanganin namin sa pagdedecorate ng gaganaping event.

2pm pa naman ang napagusapang oras para sa panggagawa ng designs. Sa bahay nalang daw ni Ynah, the vice president.

Napatingin ako sa cellphone ko at agad ko itong inopen para i-check kung ano'ng oras na ba. Oo, para i-check lang ang oras.

9:24 am palang. Ugh

I feel so sleepy pero hindi na ako makatulog. Hindi pa din ako nakakaramdam ng gutom kahit kaninang 6am pa ako nagising.

4 hours sleep pa lang ang meron ako simula kagabi. That's why i'm so sleepy right now.

Umayos ako ng higa ko at sinubukang matulog pero hindi pa rin talaga.

Napatingin ako sa bintana ko at nakitang sobrang taas ng araw. Well, kailan ba ito bumaba? Psh. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at lumapit sa bintana para isarado ang kurtina.

"Ang sakit mo sa mata!" reklamo ko sa araw. Lol. Nakakatawa. Kung may nakakakita sakin ngayon, baka pagkamalan akong baliw dahil kinakausap ko ang araw.

Maybe antok na nga talaga ako.

Pabagsak akong humiga sa kama at pumikit.

Makakatulog na ako nito.

"Ugh. Ang init! Sino ba'ng nagpatay ng aircon dito sa kwarto ko?"

Tumayo akong muli sa kama at lumapit sa aircon para buhayin ito.

At dahil malamig na, tinry ko na matulog.

Kaso wala pang limang minuto nang mapabangon ulit ako.

"Matutulog ako!" iritadong sigaw ko ng hindi pa rin ako makatulog.

Sinubukan ko na rin lahat ng position sa pagtulog pero wala. Parang isinumpa ako na di ako makakatulog agad agad.

Wth.

Bumalik ulit ako sa pagkakahiga at nagtalukbong ng unan at kumot sa mukha.

"Gusto ko'ng matulog! Matutulog ako! Walang makakapigil sakin! Walang manggugulo! Walang mangi-istorbo! Puyat ako! Kailangan kong mag-rest dahil for sure, mapapagod ako mamaya kaya—" natigil ako sa sinasabi ko nang biglang bumukas ang pinto sa kwarto ko at may nagsalita.

"Anak may bisita ka—hey, bakit bukas pa rin ang aircon—Khim!"

Hindi ko pinansin si Mama at dirediretso akong tumakbo pababa para pumunta sa sinasabi ni Mama na bisita ko daw pero di pa man ako tuluyang nakakalapit sakanya ay agad din akong naglakad pabalik sa kwarto ko.

It's Sabrina.

Ano'ng kailangan nya ngayon? Manggugulo nanaman ata.

Nakasalubong ko naman si Mama bago ako makarating sa kwarto. "Khim, wag mo ng bubuhayin muna yung aircon." bilin niya saakin. Ayaw kasi ni mama na pinapabuhay ang aircon kapag daytime kasi mahal daw sa kuryente.

I simply nod at her tsaka ako dirediretsong pumasok sa kwarto ko.

"Matutulog ako!"

"Pero may pag uusapan tayo."

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon