Epilogue

1.5K 39 9
                                    

Epilogue

2 years. Matagal tagal din ang 2 years sa aming dalawa.

Hindi naging madali ang relasyon namin. Hindi pa rin maiiwasan ang simpleng awayan, light cool offs at ang samaan ng loob. Normal lang naman sa isang relationship ang ganoon.

Pero sa sitwasyon namin, napaka hirap.

Sa skype at facebook video lang kami madalas magmeet araw araw.

Madalas din kaming busy at napakahirap humanap ng vacant time namin parehas.

Ang hirap magsuyuan. Minsan mago-off ako at ilang araw di mago-open, kaya nahihirapan sya'ng manuyo.

Pero ni minsan, hindi man lang nya naisipang bumitaw sa relasyong ganito.

Patuloy pa rin kaming lumalaban at nagpapakatatag.

Pinili namin ang ganitong sitwasyon kaya kailangan lang namin itong panindigan.

Nakakaya naman namin.

Siguro dahil sa mahal talaga namin ang isa't isa. At ang isipin pa lang ang about sa break up, hindi na namin kinakaya.

Hindi na din ako masyadong bitter. Syempre may lovelife na ulit ako.

Pero syempre, di ko pa rin maiwasang mainis kapag nakakakita ako ng mga lovers na palaging magkasama.

Syempre kahit papaano ay nabibitter pa rin ako dahil hindi ko man lang makasama ang boyfriend ko.

Sila Sab at Pierce tuloy ang napapag initan ko. >:D

At hindi pa din talaga ako naniniwala sa forever. Wala kasi talagang forever. Expression lang ito para sa dalawang taong nagmamahal.

Si Kirby naman, hindi na sya nangungulit. Minsan dumadalaw bahay namin since classmate kami kaya medyo nagiging close na ulit kami.

Naiintindihan naman ni Kim at isa pa, alam namin sa isa't isa na sya at sya lang talaga ang mahal ko at mamahalin ko pa.

Oo na sige na, ang corny ko na.

Pero kahit naman magkalayo kami ni Kim, wala pa ding magbabago.

Since then until now, sya pa rin ang mahal ko.

Syempre, ganon din naman sya sakin no?

At napatunayan ko'ng kahit gaano kahirap ang long distance relationship, kung mahal nyo talaga ang isa't isa, magiging worth it ang sinasabi niyong mahirap.

Tama nga si Mama.

Kapag mahal mo ang isa'ng tao, lahat ng imposible, nagiging posible.

Mabuti nalang naabutan ko sya that time.

Kasi kung hindi, matagal tagal din pala ang 2 years para lang pagsisihan ko na hindi ko agad inamin sakanya ang nararamdaman ko nung una palang.

At sa ngayon, kailangan ko na munang umuwi.

Kakausapin ko pa si Kim, e.

Sobrang namimiss ko na sya.

Pero okay lang, malapit nanaman syang umuwi e.

Dear Kirby,

Thank you sa lahat. Sa pagmamahal. Sa pag-aalaga at sa pang-iiwan sakin noon. Heto ako, masaya na sa boyfriend ko ngayon. Dahil sa iniwan mo ako noon, nakahanap ako ng taong mamahalin ko at mas mamahalin ako. Ok na din palang naging bitter ako dahil kahit papaano ay may naitulong ito. Mabuti nalang at nakahanap ako ng space sa puso ko para kay Kim, ang lalaking minamahal ko ngayon. Maraming salamat, Kirby.

Nagmamahal,

Brychelle

A/N: Thankyou so much po sa pagbabasa. Sa lahat ng bumasa at sumoporta, maraming salamat. Comment nalang po kayo kung sino po yung gustong magpa-dedicate para mailagay ko na. Tsaka ko na lang ulit ito ie-edit pag pc na gamit ko.

And guys, sana po ay suportahan nyo yung new upcoming story ko na Bitter Advice [Wala Talagang Forever] Bitter Series #2.

Sana suportahan nyo din po sya. Sana din po ay patuloy nyong suportahan ang Bitter Forever [Walang Forever] and again,  maraming salamat po ulit.

-Goddesswriter
Ate Franz

🎉 Tapos mo nang basahin ang Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETED 🎉
Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon