38. Regret
Brychelle's P.O.V.
Hinatid ako ni Sabrina hanggang sa bahay nila Ynah. Malapit lang kasi ito sa bus station na binabaan namin ni Sab kaya pinili nyang ihatid nalang muna ako.
Bored daw kasi sya at wala syang magawa kahit alam ko naman na gusto lang nya chumika. Sinabi ko nga sakanya na bilangin nya bawat hibla ng buhok nya kasama ang split ends nya pero ayaw naman nya.
Inadvisan ko din sya na pumunta sa divisoria at bilangin kung ilan ang tindahang nagbebenta doon pero ayaw din nya.
Sinabi ko din na pumunta sya sa lahat ng kainan at umorder ng pagkain tapos iwan nya pero ayaw talaga nya.
Ang dami kong sinabi sakanya pero ni isa, wala syang nagustuhan.
Nakakabadtrip lang na ako na nga itong nagmamagandang loob na tulungan sya at bigyan sya ng idea kung paano masusolusyonan ang problema nya, sya pa itong nagmamaganda.
Psh. Ang gusto daw kasi nya, tumulong sa panggagawa namin para sa pagdedecorate.
Naisip ko din na kapag nandon sya pwedeng sakanya ko nalang ipagawa lahat ng gagawin ko or may magiging assistant ako na ipagtitimpla ako ng hot chocolate or juice, bibili ng kung ano mang maisipan kong pagkain, in short, chill lang ako pag nandoon sya.
Pero naisip ko din na sa sobrang daldal nya, baka daldalin nya lang ang mga kasama kong gagawa at ang ending, wala kami halos matatapos.
Kaya ayun, tinawagan ko nalang si Pierce at pinasundo si Sabrina sakanya.
Padabog pa itong sumakay sa motor ni Pierce at bago umalis ay inirapan ako nito. Wow, kailan pa sya natuto non? Hahahaha. I'm sure naman na nagpapabebe lang ang isang iyan. If I know baka kinikilig pa siya dahil kasama na niya si Pierce. Kalandian strikes. Psh.
Pumasok na ako sa bahay nila Ynah. Sanay na ako dito. Madalas naman na dito namin ginagawa or tinatapos ang mg dapat naming tapusin kaya dirediretso lang akong pumasok sa loob.
Napansin ko na tahimik sa loob ng bahay. Usually kasi, sa sala talaga kami gumagawa pero walang tao ngayon sa sala nila. Naisip ko nalang na baka naman sa kwarto nya nalang gagawa muna pansamantala para maliit lang ang lilinisin. Kaya naman dumiretso na ako sa taas para pumunta sa kwarto nya.
Pero nakakapagtaka lang, ang tahimik naman ata. Parang ni isa, walang nagsasalita. Hindi naman sound proof ang kwarto ni Ynah. Dumating na kaya ang ibang members ng student council? Kasi imposible namang late lang sila. Ako lang naman ang madalas malate sa mga ganitong usapan e.
Nakalapit na ako sa kwarto ni Ynah at pinihit ko yung door knob para buksan ito. Pero wala akong nakitang tao, pero may mga nakakalat na gamit sa sahig.
Paniguradong nagsimula na ang mga ito at lumabas lang saglit para mag meryenda. Lumapit ako sa sahig kung saan nakakalat yung mga gamit na gagamitin. Inilapag ko na rin yung mga pinamili ko at kibit balikat kong sinimulan ang ilan sa mga iyon. Hihintayin ko na lang na makabalik sila para atleast kahit papaano ay may naitulong na ako. Baka mamaya, sumbatan pa nila ako. Lol
"B-Bitter princess?"
Napatingin ako sa tumawag sakin. Sa may pintuan ito nanggagaling kaya tinignan ko ito at nakita ko doon si Ynah na pulang pula ang ilong at mata. Namamaga din ang mga mata nya at may hawak syang isang plastic ng tissue paper.
"Ynah, bakit ka umiiyak? Ok ka lang ba—?" nagulat na lamang ako ng biglang lumapit sakin si Ynah at niyakap ako ng napaka higpit habang patuloy na umiiyak.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sa totoo lang wala akong alam. Ano bang nangyayari?
"W-Wala na sya. I-Iniwan na nya ako. W-Wala na s-sya..." patuloy sa pag iyak na sabi niya. Hindi ko maintindihan . Ano ba'ng tinutukoy nya?
BINABASA MO ANG
Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETED
Teen Fiction"Ang maniwala sa forever, TANGA." Bitter Series #1