07. No way

1.7K 55 3
                                    

07. No Way

Boredom strikes again. Nasa kalagitnaan ng discussion si Miss nang makaramdam ako ng pagka antok. To the point na kahit ano'ng pilit ko na mag focus sa discussion ni Miss pero kusa pa ding pumipikit ang mata ko.

Ang bigat ng mata ko. I need more sleep!

Hays. Kasi naman masyadong nag enjoy ang parents ko sa pagcecelebrate ng anniversary nila kagabi. Ang dami pa'ng hanash sa buhay. Nag movie marathon pa, nag bonding at nagkaroon pa ng inuman session sa pagitan ni Kuya at ni Papa habang kami ni Mama ay nakikipulutan lang at busy sa pakikinig sa mga kwento ni Papa about sa relationship nila ni mama noon. Kilig na kilig pa nga, parang ewan talaga. Ang ending tuloy, puyat ako. Si Kuya naman ay bumalik ulit sa Manila nang madaling araw dahil malapit na daw ang midterms nila at sumaglit lang siya sa bahay para sa anniversary ng parents ko. Edi shing shang fu.

I yawned again. Pero sa pagbukas ng bibig ko ay may nag shoot na papel sa bibig ko. 3 points. Ugh

"Ano ba? Sino'ng bumato ng papel sakin?" iritang tanong ko na mukhang napalakas. Napatingin ako kay Miss at naka crossed arms itong nakatingin sakin habang nakataas ang isang kilay.

Parang bigla tuloy akong tumiklop.

"Ako, bitter princess. May problema ba?"

Hindi ako nakasagot. Anakng! Problema ba ng teacher na 'to at bigla na lang akong babatuhin ng papel sa bibig? Lol.

"Show some respect to me. Wag mo ipamukha sakin na ang boring ng discussion ko." seryosong saad ni Miss.

Automatic na napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Grabe, ang judgemental naman. Hindi ko na nga lang pinapansin yang boring nyang way of teaching tapos ija-judge nya agad kung ano ang iniisip at nararamdaman ko? Mali yun.

"Sorry po." tanging sagot ko. Good girl kasi ako. I don't want to be rude.

"So going back..." nawala ang atensyon sakin ni Miss at muling tumingin sa kabuuan ng klase. "As I was saying, we're going to have a debate activity for today."

I simply rolled my eyes. Lah? Seryoso ba? Ugh, tinatamad pa naman ako.

"And our topic is..." saglit na tumigil si Miss at nagsulat sa white board habang kami ay naghihintay lang ng kung ano mang isusulat niya. Nang matapos siya sa pag susulat ay agad din syang humarap samin. "Is it better to have loved and lost? Or better not to have love at all."

Literal na napa-nganga ako dahil sa topic. Ugh, kailan ba ako makakaligtas sa nakakabwisit na love topic na yan?

Agad na tumayo ang mga kaklase ko at pumunta sa side kung ano ang gusto nilang ipaglaban.

Sa left side yung mga in favor sa better to have loved and lost and sa right side naman yung better not to have loved at all. And obviously, nasa right side ako.

"Okay class, you may proceed on your debate."

Napatingin sa kabilang side. Nandun si Nerd at si Sab kaya napairap ako dahil katapat ko lang sila. Majority sa class ay nasa left side, ang mga nasa right side lang ay nasa sampu lang pero I don't care. Kahit mag isa lang ako dito, ipaglalaban ko ng buong puso kung ano ang gusto ko.

Ay oo nga pala, nabasag na ang puso ko. Char

"Ehem." napunta ang atensyon namin sa isa sa kaklase namin na nasa left side. "We all know naman na it is better to have love and lost. Kasi love conquers all, ika nga nila. Sa tingin ko naman, walang nabubuhay ng walang love diba?"

Napataas ang kilay ko. "Hindi mo napaliwanag ng maayos." diretsong saad ko. "It is obviously better not to have loved at all para wala ng pain. Love causes pain too much and that's not healthy in our lives. Kung love lang din ang mananakit at sisira sa buhay natin, sa tingin ko mas better kung hindi na lang magmahal in the first place."

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon