21. Civil
5 days to go nalang at Grand Prom na at sa totoo lang, ngayon ko lang nararamdaman iyong stress na sinasabi nila.
Busy ako sa pagpapractice ng cotillion and at the same time ay busy din ako sa pag aasikaso para sa High school week. Isa ako sa representative ng Student Council kaya naman kasama ako sa maghahandle ng High school week at sa totoo lang ay hindi na ako natutuwa.
Hindi pa nakatulong ang pagtatampo ni Kim sa stress na dinadala ko ngayon. Almost 3 days na akong hindi pinapansin ni Kim-I mean pinapansin naman niya ako since we're partners sa cotillion pero sobrang civil lang. Nakakastress tuloy lalo.
Kasalanan naman kasi niya dahil ang landi landi niya, ugh.
At para mabawasan ang stress ko kahit papapaano ay nagpasama muna ako kay Kuya dito sa mall. Sunday naman ngayon which means is rest day kaya naisipan kong dito sa mall pumunta dahil paniguradong pag gising ko bukas ay baka hindi na ako makakurap ng maayos dahil sa sobrang dami ng gawa. Actually, medyo nakakapanibago nga dahil hindi naman mahilig sa mall si Kuya and everytime na umuuwi siya dito sa laguna, lagi lang siyang nasa bahay, nagbabasa or naglalaro lang ng games but today is different. Parang lately, may napapansin na akong something kay Kuya. He seems so stress, I wonder why?
Pumunta kami ngayon sa store ni Tita Ola dahil magpapa-cut si Kuya at ako naman ay magpapa-spa. Para naman kahit papaano ay makapag relax ako hindi yung puro stress na lang ang nakukuha ko.
Finally, marerelax din kahit papaano.
*****
Si Kim ang nakikita ko sa mga oras nito. He's wearing grey suit, light grey pants, black leather shoes at hindi mawawala ang napaka lawak na ngiti sa mukha niya.
Naparoll eyes ako sa mga nakikita ko. Parang gusto ko'ng lumayo sakanya pero may kakaibang ewan ang tumutulak sakin na tumuloy sa paglalakad.
Bahala na.
Inayos nya ang tie nya pati na rin ang pagkakalagay ng salamin sa mata nya.
Wtf? Geek forever kahit walang forevee.
Unti unting lumiliwanag ang paligid. At gayon ko lang narealize na naglalakad pala ako sa napaka habang red carpet.
May hawak akong bulaklak. Lumingon ako sa likod ko at nakitang naroon si Sab habang inaayos ang napaka bulad kong belo.
Tumingin ako'ng muli sa unahan. Isang altar? T-teka, bakit ako ikakasal?
****
"Hey wake up, we're already here."
Agad na napadilat ang mata ko nang marinig ang boses ni Kuya at ngayon ko lang narealize na ang eksena kanina ay isang panaginip lang. Masamang panaginip.
"Why are you smiling?" nakakunot ang noo ni Kuya habang nakatingin sakin. Ako naman ay napahawak sa ulo ko at parang mas lalo akong na-stress dahil sa naging panaginip ko. Bakit ganun ang panaginip ko?
Agad ako'ng napatingin sa paligid at halos mamangha ako nang makita ang isang napaka laking mansyon sa harap ko. May makulay at malawak na garden sa unahan nito na pinapaligiran ng iba't ibang kulay ng paru paru. Wait, nananaginip pa rin ba ako? Bakit nandito ako? Ang alam ko nasa store kami ni Tita Ola kanina pero anong ginagawa namin dito? I mean, paano ako nakapunta dito?
"Darling, you're finally here." nagulat ako nang may isang babae ang lumapit saakin at niyakap ako. I tried my best to smile pero mukhang nag fail ito at naging isang ngiwi.
"Are you going to take the gown?" she asked dahilan para mapakunot ang noo ko.
Huh?
I was about to ask her what gown is she talking about nang magsalita si Kuya at siya na ang nakipag usap dito. Pinabayaan ko na lang silang mag usap dahil hindi pa din ako makarecover sa ganda ng lugar na ito. Parang nasa fantasy world ako.
BINABASA MO ANG
Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETED
Teen Fiction"Ang maniwala sa forever, TANGA." Bitter Series #1