Final Chapter

1K 20 0
                                    

Final Chapter

Kim's Point Of View

Kaunting oras na lang, kailangan ko ng umalis. Madami akong mamimiss. Ang mga kapatid kong makukulit, ang mga naging kaibigan ko, ang mga kaklase ko, pati na din siya, si Brychelle na babaeng mahal ko, mamimiss ko.

Napailing nalang ako.

Nakakabaliw talaga. Traffic pa kasi kaya naman napapatawa na lang ako.

Sa gitna ng traffic? Naisipan ko pang mag-emote?

Pero seryoso. Sobrang mamimiss ko sya. Pero ayos lang, masaya na din akong nakilala ko sya at nakasama kahit sa madaling panahon. Hahaha.

Si Bry, hindi sya mahirap mahalin. Una palang, minahal ko na sya. Pero medyo mahirap din pala syang mahalin kasi mataray sya. Pero yung pagiging totoo nya, minahal ko agad nung una palang.

Siguro tama nga yung nababasa ko sa Twitter.

"Pinagtagpo lang kayo ng tadhana pero hindi kayo ang itinakda."

Nakakapatawa ka, Tadhana. Wag mo naman akong paasahin na akala ko sya na, pero hindi pala.

Bakit nga ba mahal ko sya? Bakit nga ba minahal ko sya?

Sa tanong na bakit, wala akong mahanap na sagot.

Siguro kasi kapag nagmamahal ka, walang hinahanap na sagot. Hindi kailangan ng rason.

Kinuha ko yung cellphone ko at inopen ito.

Agad na bumungad sakin ang larawan ni Bry noong kuhanan ko sya. Nasa McDo kami that time para kumain, syempre. Dapat stolen shot lang ito, e. Kaso lumingon sya sakin pero ok naman yung capture.

Ang cute nya pa rin.

At kahit ano naman ang mangyari, mahal ko pa rin sya, si Brychelle

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

At kahit ano naman ang mangyari, mahal ko pa rin sya, si Brychelle.

"Mamimiss kita."

Nagulat naman ako nang biglang magvibrate ang cellphone ko, tumatawag pala sila Jessa—yung kapatid ko'ng mataray. Parang siya.

"Hello?"

[Kuya ano ka na? Ikaw itong aalis tapos ikaw yung wala pa dito?]

"Excited ka atang paalisin ako, a."

[Hindi sa ganon, napaka bagal mo lang talaga.]

"Sige na, papunta na ako." natatawang sabi ko sakanya.

[Kanina pa yang papunta ka na, e. Sige na nga.]

Ini-off na nya yung call at saktong pagbaba ko nung phone ay nakita ko siya.

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon