28. The Truth
Brychelle's Point Of View
Nasaang lupalop kaya ng school na ito napunta si Sab? Kanina ko pa siya sinusubukang tawagan pero hindi niya ito sinasagot.
Alam ko namang hindi suicidal si Sab pero nag aalala pa din ako sakaniya dahil baka mamaya ay mag break down nanaman ang katawan niya.
"Hi."
Tinigna ko ang nagsalita at nakita ko si Gabriel na ngayon ay pormal na nakatayo at nakangiti sa harap ko. Sa sobrang busy at dami ko'ng ginagawa ay hindi ko na namalayan na ilang araw ko din hindi nakita si Gab. Ngayon lang tuloy ako nacurious kung saan siya nagpunta.
"Uy." iyon lamang ang bati ko sakaniya dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ba ang dapat ko'ng sabihin.
Ngumiti siyang muli at tumabi saakin. "Nakakamiss ka pala." agad na sabi niya. Napakunot tuloy ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Oo nga pala, ilang araw din kitang hindi nakita. San ka nagpunta?" pagiiba ko ng topic. Nagkibit balikat muna siya sakin bago sumagot.
"Ewan. Sa tabi tabi." sagot niya.
Nagroll eyes ako dahil sa sagot niya. "HA-HA. Ang nice mo din kausap minsan, noh?" sarcastic na tanong ko sakaniya na siyang tinawanan lang naman niya.
"Wala, e. Ang busy mo masyado, e." saad niya para ako naman ang matawa.
Bored na bored na nga ako sa buhay ko, e. Lol
"Daming event kasi, e." dahilan ko nalang kahit ang totoo ay wala naman akong ibang pinagkakaabalahan kundi ang greetings booth. Tumango naman siya sakin bilang pag sang ayon.
Naramdaman ko na lang na biglang nagvibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha para tignan kung sino ang nagmessage.
From: +639562223322
Can we talk?
Automatic na napakunot ang noo ko dahil sa sinabi. Sa totoo lang ay madalas din akong nakakatanggap ng greetings kung saan gusto nila akong kausapin. Hindi ko alam kung iisang tao lang ba iyon o kung sino man pero ang tanong ko ay sino ba ito at ano ang paguusapan namin?
Nagvibrate ulit ang phone ko kaya tinignan ko ito at nang mabasa ko ito ay automatic na umikot ang mata ko.
From: +639562223322
This is Kirby.
Lol. Ano ba'ng kailangan ng isang ito?
Sabrina's P.O.V.
Napatingin ako sa paligid ko.
Hindi ko alam kung ano ang masamang hangin ang nagdala sakin dito at pumayag sa alok niya na makipagusap ako sakanya.
Bakit ako nandito sa harap niya at inaantay na magsalita siya?
Ang babaeng nasa harapan ko.
Inayos niya ang buhok niya, kinuha ito at inilipat lahat sa kabilang parte ng leeg niya tsaka sya saakin tumingin.
"Alexa," paninimula niya.
Agad na napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
Sa pagkakatanda ko, Sabrina ang pangalan ko. So sino si Alexa? May nakikita ba siyang di ko nakikita?
"Alexa ang pangalan ko." pagpapatuloy niya at doon ko lang narealize na Alexa ang pangalan niya.
Too good for her.
Napatingin sya sa baba. Sa tingin ko ay sa hawak kong sketch pad ang tinitignan niya kaya naman mas napahigpit ang hawak ko dito.
"Nakita mo na pala?" tanong nya at muling tumingin sakin.
Hindi ako sumagot. Kahit pagtango o pag iling ay hindi ko ginawa.
Nakatingin lamang ako sakanya, na parang bawat anggulo niya ay minememorya ko pa.
Ngumiti siya.
Wait, more like, nag smirk siya na naging dahilan ng pagkainis ko sakanya.
Tumayo siya at tinalikuran ako.
Humarap siya sa isang book shelf sa likod niya. Medyo maliit ito pero madami pa din ang librong kayang ilagay dito. Parang may pinagmamasdan siya doon.
Sapatusin ko kaya siya. Dinala dala niya ako sa Condo niya ng walang pasabi para ano? Para talikuran? Para ipakita sakin kung paano nya titigan ang mga libro niya?
Di ako interesado sa mga iyan.
"Galit ako sayo."
Huh?
Mas napakunot lalo ang noo ko ng marinig ko iyon. Hindi pa rin siya nalingon sakin.
Gandang usapan ito. Psh
"Una palang alam ko na,"
Mabuti naman nagsasalita ka na, di gaya nung kanina puro pabitin effects pa.
"Na wala talaga akong pagasa, dahil ikaw ang gusto niya."
Eh? She's talking about Pierce.
"Pumayag ako sa gusto niya," tumigil muna sya at tumingin saakin "Sa gusto ni Pierce." ngumiti siya saakin.
Pero hindi yung ngiti na sweet or what, may kakaiba akong pakiramdam sa ngiti niya.
Malungkot.
"Ilang taon? Hm," tumigil syang muli para magisip. "8 years ko syang minahal, at patuloy na minamahal." ngumiti ulit siya ng mapait.
Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sakaniya.
"Pero siya, iba ang mahal niya, di niya ako ni minsan nagustuhan. Dahil ikaw ang mahal niya."
Umiwas ulit siya ng tingin, muli siyang humarap sa bookshelf niya habang may hinahanap.
"Ginawa ko ang bagay na pinakiusap niya saakin, hindi dahil sa gusto ko syang mapasaakin." tumigil na naman siya sa pagsasalita.
Pansin ko lang, pabitin?
"Ginawa ko iyon dahil gusto kong makita ka masaktan."
Huh?
"Kaso nagkamali ako, imbes na iyon ang makita ko. Nakalimutan ko na plano ni Pierce ang mahalin at pasayahin ka sa oras na iyon."
May kinuha siyang isang libro at binuksan ito sa isang pahina.
Humarap na siya saakin. "Pinuntahan niya ako kagabi."
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya kaya mas pinagmasdan ko pa sya. Nakangiti siya habang may tinitignan sa librong iyon.
Huh?
"Pinakiusapan niya ako na itigil na ang lahat ng ito, lumayo at manahimik. Pinagsisisihan daw nya itong lahat. Sobrang mahal ka nya to the point na kahit kasinungalingan gagawin niya," tumingin na sya saakin this time "mapansin mo lang siya." nakangiting sabi niya.
"Here."
May iniabot syang papel saakin mula sa librong kanina lamang ay tinitignan niya.
Inabot ko ito.
Mukhang pinugit lang ito sa isang kwaderno, halata naman sa itsura nito.
"Please, huwag kang magbulag bulagan. Pakinggan mo siya."
(A/N: Short update lang guys. Sobrang mema hahaha)
BINABASA MO ANG
Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETED
Teen Fiction"Ang maniwala sa forever, TANGA." Bitter Series #1