30. Grand Prom

822 22 0
                                    

30. Grand Prom

Brychelle's Point Of View

This is it. Our grand prom.

"Bry, bakit parang di ka naman excited?" tanong sakin ni Sab na ngayon ay katabi ko dito sa backseat.

We're on our way to our grand proms' venue at si Bryle ang nagpresinta na siya ang maghahatid samin.

"Duh? Wala naman kasing kaexcite excite sa prom na yan." sabi ko at umirap na lang.

Hindi ako naeexcite dahil sa totoo lang ay disagree ako para sa grand prom na iyan. Puro kalandian lang ang magkikita ko dun kaya wag na lang uy.

Pero yung puso ko, ang lakas ng kabog.

"Ikaw lang ang hindi excited para sa prom." sabi ni Sab at this time ay ako naman ang inirapan niya.

Paano ako maeexcite kung alam ko naman na puro toxic na estudyante lang ang makikita ko dun? Puro landian lang mamaya ang makikita ko sa bawat sulok, for sure.

I rolled my eyes once again. Haay buhay.

"We're finally here. I'm so excited na." masayang sabi ni Sabrina nang makarating na kami sa pupuntahan namin. Automatic na napairap naman ako nang mahagip agad ng mata ko ay ang mga nagsisimula ng maglandian na estudyante.

Nauna pa'ng mag start kalandian nila kesa sa prom. Ipagpatuloy nyo yan.

"Tatanda ka talagang dalaga, Bry." pahabol pa ni Sab habang nagpapark si Bryle.

"Di pa kasi nakakamove on yan sa ex nya. Hanggang ngayon umaasa pa din siya." singit naman ni Bryle kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Shattap. Kausap ka ba ha?" iritang tanong ko sakaniya. Ang lakas talaga makiepal ng lalaking 'to.

"Si Sab kausap ko, hindi ikaw. Assuming mo." natatawa tawang sagot naman niya sakin kaya inirapan ko nalang. Baka lalo pa akong mabadtrip.

Si Sabrina ang unang bumaba sa sasakyan ni Bryle at nakita ko na nasa labas si Pierce, hinihintay si Sab.

Yes, si Pierce. Okay na sila ni Sab. Hindi ko alam kung paano pero sabi ni Sab ay ikekwento niya daw sakin kapag nagkatime.

So, kailan pa yung time na yun?

Agad na din naman akong bumaba at si Bryle ang nag escort sakin. Kahit badtrip ay pinilit ko na lang ngumiti. Ayoko naman mabadtrip ng tuluyan dahil baka di ko pa maenjoy yung prom. Kahit alam ko namang hindi ko maeenjoy.

Napatigil lang ako sa paglalakad nang mapansin ko ang lalaki sa harap ko—si Gabriel. Ngumiti sya sakin at inilahad ang kamay niya.

"Binibigay ko na sayo 'tong kapatid ko. Iingatan mo ha?" pagbibiro ni Bryle na agad namang tinawanan ni Gab.

"Makakaasa po kayo."

Napairap ako kay Bryle dahil nakakainis talaga siya at maya maya lang din ay umalis na siya.

Nang makapasok na kami sa hall ay agad na nilibot ko ang paningin ko sa loob ng venue. May hinahanap ako pero hindi ko makita sa dami ng tao.

"Brychelle?"

Napalingon ako kay Gabriel. "Hm?" tugon ko sa pagtawag nya saakin.

Nginitian nya ako. "Are you okay?"

I tried to smile. "Oo naman."

"Mabuti naman. Ang ganda mo pa naman."

Bigla nalang naglanding ang kamao ko sa braso nya.

Usually, kapag may nagsasabing ang ganda ko, nginingitian ko lang dahil alam kong totoo.

Pero ngayon, ayaw ko muna. Pabebe muna ako. Kunyare di ko tanggap na maganda talaga ako.

Agad kami pumunta sa pwesto kung saan naroon sila Sab at naupo na kami. Pero ako, patuloy pa din ako sa paglingon sa paligid ko na parang may hinahanap.

Nasan ba yun?

After ng sobrang habang grand entrance at introduction ay nagsimula na din ang event. Agad na tinawag ng host ang mga representative para sa cotillion at nang tumayo ako ay naramdaman ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.

Naguguluhan man sa nararamdaman ay pinagpatuloy ko pa din ang paglalakad at pagpunta sa dance floor. At doon ay nakita ko siya.

Ang lakas na ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Hindi dahil sa sasayaw kami sa harap ng madaming estudyante. Actually ay hindi ko alam kung bakit ba sobra akong kinakabahan. Ang weird.

Mayroon pa kaming seperate performance bago magproceed sa cotillion. Unang nagperform ay ang boys. Then next na kami.

Nang matapos na ang sa girls, naramdaman kong may humawak sa balikat ko.

And it's Marjorie.

"Good luck." nakangiting sabi niya.

Gusto ko syang irapan. Pero hindi ko magawa. Lalo na kapag nakikita ko ang mga ngiti nya.

Parang wala akong reason para mainis o magalit sakanya.

Ang inosente ng mukha nya. Napaka ganda nyang tignan sa cocktail na suot nya.

"Bry."

Ito na. Napatingin ako sa taong nasa harapan ko.

Si Kim. Hindi nya ako tinawag na Mahal---uh, nevermind. Pake ko ba? Mabuti nga yun, e. Nagising na ata sa katotohanan na hindi nya ako mahal. Ouch.

Ginawa ko ang unang step gaya ng ginawa ng iba.

Sumabay ako sa pag galaw nila.

Ipinatong ko ang isa kong kamay sa balikat ni Kim at umikot sakanya habang sya naman ay nakahawak sa bewang ko.

Eye contact.

Sht. Hindi ako makapag concentrate sa ginagawa ko.

Nalulunod ako sa tingin ni Kim. Bakit ba ganyan sya?

Buti nalang nakaiwas ako ng tingin nang umikot ako. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maayos. Ngayon ko lang kasi narealize na the whole time na ginagawa namin ang first steps ay nagpipigil na pala ako ng hininga.

"Brychelle..." again, hindi nanaman nya ako tinawag sa tawag nya saakin.

Ano bang nangyayari sakin? Bakit ba hinahanap ko yung nakakairitang endearment nya saakin? Nakakasuka kaya yon.

"Oh?" tanging tugon ko ng maglapit kami sa isa't isa.

"Haha..." sinilip ko ang mukha nya. Naniningkit nanaman ang mga mata nya. "Ikaw pa rin yung mahal ko na nakikita ko sa future ko." pabulong pero bakas sa mukha nya ang saya ng sabihin nya iyon.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako sakanya nakasagot. Tinignan ko lang sya sa mukha. Hindi naman sya nakatingin sakin dahil medyo nakaiwas sya ng tingin.

"Alam mo ba'ng ang ganda mo ngayon?" bulong nya at tinignan ako kaya medyo napaiwas ako ng tingin pero naalala ko ang madalas na sinasabi ng choreographer saamin.

Eye contact.

Tinignan ko syang muli at siya naman ay binigyan ako ng isang ngiti.

"Sana maging masaya ang gabi mo." sabi niya sakin. Medyo napakunot naman ang noo ko. "Kasi ako, masaya na ang gabi ko."

Bakit ba parang nagiging weird na ako? Para saan ba at nakakaramdam ako ng ganito?

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon