06. Walang Forever

1.7K 59 7
                                    

06. Walang Forever

***

Nang makauwi sa bahay ay agad ko'ng nilapag ang bag ko sa sofa. I was expecting na nandito si Mama at Papa since it's already 7 PM na pero walang tao miski isa ngayon.

Kibit balikat na lang akong umakyat papunta sa kwarto ko para magbihis at makapag pahinga. Mabuti na lang talaga at nakakain na ako kahit papaano dahil kung hindi, paniguradong nagwawala na ang sikmura ko ngayon.

Matapos magbihis ay agad akong humarap sa laptop ko at nagbukas ng facebook, para naman hindi ako masyadong mabored. Bigla namang may nag pop up na isang message ssa facebook ko kaya agad ko iyong binasa.

Sabrina: Hoy

Brychelle: kahoy

Sabrina: hayss

Brychelle: problema mo ba? kanina ka pa e

Sabrina: hays wala pinagpalit mo na ako

Brychelle: lol pinagsasasabi mo?

Sabrina: lagi nalang si kim na ang kasama mo

Sabrina: 😭😭

Sabrina: napaglilipasan na ako ng panahon

Sabrina: ang dayaaa

Sabrina: ako naman bestfriend mo pero pinagpalit mo na ako

Brychelle: 😑 baliw ewan ko sayo

Napailing na lang ako dahil sa mga kalokohan ni Sab. All this time yun lang pala ang dahilan kung bakit parang ewan yung babae na yun? Parang baliw.

Hindi ko na lang inopen yung message sakin ni Sab kahit patuloy itong nag pa-pop up dahil for sure, puro kalokohan lang pinagsasasabi nun. Busy ako sa pagi-scroll sa news feed ko nang tumigil ito sa isang memory.

Iron Lopez shared a memory.

G na ulit!

Napatigil ang tingin ko sa memory na iyon. I knew Iron so well. Kaibigan siya ng magaling ko'ng ex at minsan ko na din siyang naging kaibigan nung kami pa ni Kirby. Gustuhin ko ma'ng wag isipin ngayon yung unggoy ko'ng ex pero hindi pwede. Dahil nasa harap ko ang isang memory kung saan kasama ako sa picture na iyon.

That was our group picture, 2 years ago. Actually we had a plan that time na maggru-group study pero ang ending ay nagmovie marathon na lang kami at nagfood trip. It was fun actually. Pero tapos na. Past is past. Isang memory na alam na alam naman naming lahat na hindi na mauulit.

"Khim." agad na napalingon ako sa pinto nang bumukas ito at nakita ko si Mama na nakatayo doon. "Nandyan ka na pala. Tara na at mag dinner."

"Yas, I'll be there. Wait lang po." agad kong shinut down yung laptop ko bago sumunod kay mama papunta sa dining area.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay nakita ko na ang isang pamilyar na pigura. I knew him so well.

"Kuya?" gulat na tawag ko. Agad namang nabaling ang tingin niya sakin saglit pero agad ding binalik sa cellphone niya ang atensyon niya. Lol, sungit talaga. Sobrang aware ako na wala talagang forever pero malakas ang feeling ko na ang kasungitan ng kapatid ko ay may forever.

Lumapit ako sakanila at humalik sa pisngi ni Mama at Papa na ngayon ay nakapwesto na, mukhang ako na lang ang hinihintay.

"Bakit nandito ka?" takang tanong ko kay kuya Bryle dahil bigla bigla ko na lang siyang makikita ngayon dito sa dining area.

"Bawal ba?" masungit na tanong niya sakin. Napanguso naman ako dahil sa sagot niya.

"Parang nagtatanong lang, e. Sungit." bulong ko.

Hay. Ewan ko ba kung bakit ganyan yang kapatid ko. He's super grumpy at super sungit, parang matandang dalaga na nagmemenopause.  He's 4 years older than me at malakas ang feeling ko na pinaglihi siya ni Mama noon sa sama ng loob at kasungitan kaya naging ganyan. Lol

"Okay, since we're all here na, let's eat na." gusto kong matawa dahil sa sinabi ni Mama. Ang conyo kasi. Nakikiride sa mga bagets.

Nagdasal muna kami na ni-lead ni Papa bago sinimulang kumain.

"Ma, ano'ng mayron? Ang dami atang foods." takang tanong ko habang patuloy sa pagkain ng squid na favorite ko. Yum yum.

"It's our anniversary, right hon?"

Halos mabilaukan ako sa pagkain ko nang sabihin iyon ni Mama. Mabuti na lang at naabot ko agad ang tubig malapit sa pwesto ko kaya mabilis akong nakarecover.

"Oo nga pala. I almost forgot." I said then cough. Pwe. Muntik na akong matuluyan dun ah. Pag nagkataon, mababawasan na ang population ng magaganda. Laking kakulangan ko pa naman.

"Happy anniversary." they both said as they toast their glass at nagkiss sila sa harap namin dahilan para mapangiwi ako.

"Ma, Pa, nasa harap nyo lang kami oh. Konting respeto naman." saad ko na medyo naiirita. Para kasing nang aasar pa sila.

"Sus, parang ganito din naman kayo noon ni Kirby."

Agad na napalaki ang mata ko sa sinabi ni Papa at automatic na napatingin ako kay kuya Bryle na ngayon ay ang sama na ng tingin sakin. Baby girl pa kasi anh turing niya sakin at kahit naman sobrang sungit ng isang yan, hindi niya pa din gusto yung idea na nagka-boyfriend ako. Protective brother kahit di halata.

"Yuck pa, wag po tayong magsalita ng bad words." saad ko na tinawanan lang ni Mama.

"Hon, ang bitter ng anak natin oh." pang aasar pa ni Papa kaya lalong sumimangot ang mukha ko.

"Hindi sa bitter pa, wala lang talagang forever." saad ko at pinagpatuloy na lang ang pagkain ko. Ang hilig talaga nila akong asarin. Lol

"Ikaw Bryle? Kailan mo ba balak mag asawa?" tanong ni Mama kay kuya Bryle kaya nasamid ito at umubo ubo.

"Ma naman!"

Natawa ako sa reaksyon ni kuya Bryle. Bakit mukha siyang ewan? Lol.

"What? I'm curious." painosenteng saad ni Mama habang naglilipat lipat samin ang tingin. Napailing naman si kuya Bryle dahil kay Mama.

"I'm only 20." seryosong saad nito at kumain na lang para siguro makaiwas sa topic.

"Okay lang yun. Mag asawa ka na agad, okay? Gusto ko na ng apo."

Parehas kaming nasamid ni kuya Bryle dahil sa sinabi ni Mama dahilan para matawa si Mama.

"Ma naman!" I and kuya Bryle said in chorus. Nabibigla naman kasi ako sa sinasabi ni Mama. Lasing ba 'tong nanay ko? Lol. Hindi pa kaya ako ready magkaroon ng unang pamangkin at ako pa ang baby ni kuya, hindi pa pwedeng magkaroon ng legit na baby.

Humarap nalang si Papa kay Mama.

"Hayaan mo sila, masyado mo'ng pinepressure ang anak natin." sabi ni Papa kay Mama at ngumiti ito. "I love you, ma."

"I love you too forever, pa."

Napairap ako ng marinig ko ang magic word na iyon. As if namang may forever.

Walang forever.

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon