40. Finally
Brychelle's P.O.V.
Pagkatapos na pagkatapos kong kumanta ay agad na akong umalis sa stage na iyon nang hindi man lang nagpasalamat sa mga tao na nandun.
Gusto ko na kasing makalayo sa stage na iyon. Gusto ko na makalayo sakanya.
"Bry, okay ka lang?" agad na tanong sakin ng isa sa mga member ng student council. Kung sino sya, hindi ko na inabalang alamin kung sino. Agad ko lang binigay sakanya yung gitara at tumakbo paalis.
Palayo sa gym. Palayo sakanya.
"Bry, teka lang!"
Nalingon ako sa tumawag sa pangalan ko at nakita kong sumusunod sakin si Kim.
"Sht." napamura na lang ako nang makita ko sya.
Bakit nya ako hinahabol? Nababaliw na ba sya? Ugh.
Teka, saan din ba ako pupunta? Hindi ko alam kung saan ako napupunta. Basta ang alam ko lang, second floor na itong tinatahak kong daan.
Watdafak?
Ni minsan hindi ko naimagine ang sarili ko na tatakbo ng ganito kabilis para lang sa isang taong hindi pa ako handang makita.
Wait, what?
"Brychelle!"
Ugh. Nandyan pa rin sya. Napatingin ako sa gilid ko. Gusto ko na sanang tumalon mula sa floor na ito kaso ayokong ma-hospital.
Lumiko ako ulit para umakyat sa kasunod na hagdan papunta sa third floor. Kaso sa pagliko ko, napatid ko ang sarili ko.
"Sht."
"Bry—teka!"
Babalak pa lang sana ulit ako sa pagtakbo nang mahawakan na ako ni Kim sa balikat ko para paupuin ulit.
"Bakit ba—"
"Gusto ko lang sayong magpaalam."
Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Ah, kaya niya ako hinahabol para lang magpaalam? Pwede naman siyang mag chat. Friends pa din naman kami sa facebook.
Napaiwas ako ng tingin. "Alam ko na yan! Paalis ka na diba? Paulit ulit na lang ba?"
"Bukas na ako aalis."
Ah.
Napatingin ako sakanya. Seryoso siyang nakatingin sakin.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na sabihin at maramdaman ko sa mga oras na ito.
Bukas na? Parang ang bilis naman ata.
"Edi umalis ka na kung aalis ka! Ano ba'ng pake ko diba?"
Natigilan sya dahil sa sinabi ko. Nabigla ata sya dahil sa naging reaction ko.
Kahit ako din naman, nabigla ako. Nakita ko sa mata niya na nasasaktan siya pero parang biglang umurong ang dila ko at hindi ko na mabawi iyon.
Yumuko nalang ako at pinilit tumayo para umalis na. Gusto kong mag sorry dahil sa sinabi ko. Pero walang lumalabas na salita sa bibig ko.
Ayoko sa ganitong pakiramdam. Gusto ko na talagang makalayo agad agad sakanya.
Pero hindi pa man ako nakakalayo sakanya ay narinig ko pa syang nagsalita.
"Gusto ko lang sabihin na mamimiss kita." I heard him sigh at nasasaktan ako sa tono ng boses niya. Ang sikip ng dibdib ko. "At mahal pa din kita, Bry."
BINABASA MO ANG
Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETED
Novela Juvenil"Ang maniwala sa forever, TANGA." Bitter Series #1