35. Help

727 16 0
                                    

35. Help

Brychelle's P.O.V.

Dismissal na. Galing ako sa student council room. Nagkaroon kasi ng meeting at bilang isa sa student councel representative, kailangang nandoon ako kahit gustong gusto ko ng umuwi. Pakiramdam ko kasi, pagod na pagod na ako.

Magkakaroon kasi ng small event sa school which is yung Science Fair. Siguro dahil masyado'ng busy ang head ng science at pati narin kaming mga officers ay busy din this past few days kaya medyo na-late na. Karamihan kasi saming mga officers, graduating na kaya sobra sobrang busy na.

Well, kami ang mag aayos ng gaganaping Science Fair. Napag usapan na din kung ano ba ang mga activity na gagawin namin. Ok na ang lahat. Kailangan nalang namin bumili ng decorations at mag decorate ng gym since doon gaganapin ang event.

Sa ngayon, poproblemahin ko muna itong pagod na nararamdaman ko.

Mag isa lang akong uuwi ngayon. Ano pa bang bago? Eh lagi nanaman talaga akong umuuwi mag isa. Simula ng araw na iyon.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Pagod na ako pero pinili ko pa rin ang maglakad pauwi. Hindi naman ganun kalayo ang bahay ko, pero hindi din ganun kalapit. Pwede akong maglakad kung gusto ko, pwede din naman akong sumakay kung gusto ko. Pero eto ako ngayon, pagod na daw pero mas pinipili pa ring maglakad.

Hindi ko din alam. Parang this past few days, pakiramdam ko may mali. Parang may iba. Parang hindi ako yung nakikita ko ngayon.

May problema ako. May pinoproblema ako na kahit ako, hindi ko alam. Hindi ko maintindihan. Or ayaw ko lang alamin. Siguro, sa utak ako may pinaka malalang problema.

I'm getting worse. Lol.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Sa napakabagal na paglalakad.

Para akong legit na zombie na naglalakad. Para akong sinasaksak sa sobrang sakit. Oo, ang sakit na ng utak ko kakaisip kung ano ba talagang problema ko.

Nakakaiyak. Pakiramdam ko, kaunti nalang mababaliw na ako. Naaawa na ako sa sarili ko.

"Mahal!"

Parang lumundag ang puso ko sa narinig ko. Napatigil ako sa paglalakad dahil sa tumawag. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito. Pero alam kong iisang tao lang ang pwedeng tumawag sakin sa corny na endearment na iyon.

Nilingon ko ang lugar ng pinanggalingan ng boses na iyon.

Pero wala akong nakitang Kim sa paligid ko.

"Mahal, sorry na kasi. Wag mo ako'ng iwan dun. Balik na tayo, tara. Sorry na talaga sa pangungulit ko. I love you." napatingin ako sa dalawang couple na magkausap. Mukhang nagkaroon sila ng kaunting tampuhan kaya sobra kung makapag sorry yung guy.

Ngumiti ako at tumango tango bago ako muling tumingin sa dinadaanan ko nang tumama ako sa kung ano.

"Aray."

"Ah, sorry."

Inangat ko ang tingin ko para makita ang nabunggo ko. Kung ano ba ito—este kung sino ba ito.

Pero nakita ko ang isang lalaki. Isang singkit na lalaki.

"Kim?" mahinang tawag ko.

Nakita ko ang pagkunot ng noo nya dahil sa binanggit ko. "Matt ang pangalan ko, hindi—"

"Matt, tara na." parehas kaming napalingon sa lalaking tumawag sa lalaking nasa harapan ko.

Humarap ulit sakin ang lalaki na nasa unahan ko atsaka ngumiti. "I'll go ahead. Sorry again, miss." tumatakbo syang lumapit sa kaibigan nya at unti unting nawala sa harapan ko.

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon