27. Painting

719 21 0
                                    

27. Painting

Brychelle's Point Of View

Dito ko muna pinagpalipas ng gabi si Sab sa bahay dahil nakatulog agad siya sa byahe dahil siguro sa pagod. Pinagpaalam ko na din siya kay Tita para hindi sila mag alala. Ayoko din kasi na mamroblema si Tita sa kung ano ang nangyayari kay Sab kaya mas mabuti na dito na lang muna siya sa bahay magpalipas ng isang gabi.

"Khim, okay lang ba si Sab?" nag aalalang tanong ni mama habang pinagmamasdan namin pareho si Sab na ngayon ay mahimbing ng natutulog. Tumingin ako kay mama at ngumiti.

"Oo naman, ma. Napagod lang siguro." sagot ko kay mama. Hindi na din nagtanong si mama saakin dahil may kailangan pa daw siyang gawin kaya hinayaan ko na lang. Agad naman na nabaling ang tingin ko kay Kim na ngayon ay nakatayo sa tapat ng pintuan ng kwarto ko. Maging siya ay nag aalala din kay Sab.

Lumapit ako sakaniya. "Thank you ulit sa pagsama sakin sa pag aasikaso kay Sab." I said, trying to be nice pero parang nago-automatic talaga na umikot ang mata ko kapag kaharap ko si Kim.

"Umuwi ka na, gabi na."

Tumingin sakin si Kim at ngumiti. "Ang swerte ni Sab sayo."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Pinagsasasabi ng isang 'to?

"Nababaliw ka nanaman." naiiling na saad ko sakaniya at napa-roll eyes ulit ako.

"Totoo naman. Kasi nag aalala ka para sakaniya." saad niya at binigyan ako ng isang napaka lawak na ngiti na dahilan kung bakit mas lalong sumisingkit ang mata niya.

Agad ko'ng iniwas ang tingin ko bago pa ako ma-weirduhan sa sarili ko.

"Syempre. Ganun naman talaga diba?"

Kahit hindi ako nakatingin sakaniya ay ramdam ko pa din ang pagtango niya bilang sagot.

Saglit na nabalot ng katahimikan ang paligid bago siya nagsalitang muli.

"Mauna na ako ha?"

Tumingin ako sakaniya at nakangiti pa din siya na parang ewan. Tumango na lang ako bilang sagot dahil wala na ako sa mood magsalita tsaka ako muling tumingin kay Sab.

Naalala ko tuloy.

"Khim, san ka nanggaling? Ano'ng nangyari sayo? Ok ka lang ba?" pilit akong hinahawakan ni Mama sa braso ko pero pilit ko din itong iniiwas papalayo kay mama.

Pugtong pugto ang mga mata ko. Natuyo na ang mga luha ko sa pisngi ko.

Ayokong tumingin kay Mama. Ayokong makitang nasasaktan sya para sa kalagayan ko. Ayoko.

"Brychelly?" Agad akong napalingon sa nagsalita na si kuya Bryle pala.

Napatingin ako sa mga mata nya. Sobrang nagaalala sya. Sila. Para sakin. Di ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko.

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon