22. Weird Feelings
Brychelle's Point Of View
"Gab, thank you sa paghatid." pasasalamat ko kay Gab nang makarating na kami sa tapat ng bahay.
"Wala yun. Basta ikaw." ngumiti siya sakin at tumango. Nagpaalam na din siya na uuwi na siya dahil medyo madilim na din sa daan kaya naman um-oo na lang ako.
Pero nakakadalawang hakbang palang sya sa paglalakad nang bigla syang tumigil at lumingon saakin.
"Brychelle?" tawag nya.
"Oh?"
Napakamot sya sa batok nya bigla. "Sure ka ba na gusto mo ako'ng maging date?" tanong nya sakin.
Natigilan ako sa tanong nya. Sa totoo lang ay pinag iisipan ko din ang tanong na yan. Alam ko'ng pumayag na ako kay Gab pero actually, hindi ko din talaga alam.
Tama ba ang naging desisyon ko?
Wala namang masama kung sya ang date ko sa prom diba? Wala namang mawawala. Pero si Kim?
Bigla kong naalala yung itsura ni Kim.
"Paano ako?"
Ang epal talaga ng nerd na iyon. Lagi niya nalang ginugulo ang buhay ko, hindi na ako natutuwa.
"Brychelle..." narinig kong tawag ni Gabriel.
Huminga muna ako ng malalim bago ako ngumiti sakanya at tumango tango. "Oo naman."
Agad na namilog ang mga mata nya dahil sa naging sagot ko. "S-Sure ka?" parang di makapaniwalang tanong nya.
"Yap." isang gabi lang naman.
Agad na naipinta ang napaka lawak na ngiti sa mukha nya. Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"Thank you and good night." after that ay humiwalay na din sya saakin. Nginitian ko na lang sya habang siya inalikuran na ako at tuluyan ng umalis.
Ang weird pero parang biglang may nagbago kay Gab.
****
As usual, same routine again. Practice ng cotillion ngayon pero this time ay practice with heels na. Finishing touch na lang naman para sa steps tapos okay na.
Oo, dapat okay na pero nakakaasar dahil sobrang awkward ang nararamdaman ko dito sa partner ko.
Pwede ba'ng maghanap ako ng ibang partner? Pwede?
Ano ba, Brychelle? Focus nga, aba! Pagtyagaan mo nalang.
"Aw." napatingin ako ng masama kay Kim ng bigla syang magreklamo.
Hindi ko napigilan ang bibig ko at automatic na nagsalita ito. "Aso ka na ngayon?" pa-roll eyes na tanong ko sakanya.
Umiling sya. "Hindi, natapakan mo lang." simpleng sagot niya at binigyan ako ng isang normal na ngiti.
Ugh, ano ba talagang problema niya? Naaasar na ako sa kilos niya.
Pero hindi ko na lang iyon pinansin at mas nag focus ako sa mga steps. Baka mamaya mapagalitan nanaman ako ng choreographer e.
Pero ewan ko ba kung bakit feeling ko ay natataranta ako. Ano'ng meron?
"Bry?"
"Aytipaklongkanga." sa sobrang gulat ko ay yan agad ang unang lumabas sa bibig ko.
"May problema ka ba?" seryosong tanong nya sakin.
Pesteng nerd!
Nagroll eyes ako sakanya tsaka ako yumuko at bahagyang umiling.
BINABASA MO ANG
Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETED
Teen Fiction"Ang maniwala sa forever, TANGA." Bitter Series #1